Melai Cantiveros, Jason Francisco pinaampon ang mga anak, Stella tuwang-tuwa | Bandera

Melai Cantiveros, Jason Francisco pinaampon ang mga anak, Stella tuwang-tuwa

Therese Arceo - September 26, 2023 - 07:50 PM

Melai Cantiveros, Jason Francisco pinaampon ang mga anak, Stella tuwang-tuwa

ALIW na aliw ang mga netizens sa naging reaksyon ng mga anak nina Melai Cantiveros at Jason Francisco na sina Mela at Stella matapos itong i-prank ng magkapatid na Ranz at Niana na aampunin sila for 30 days.

Sa latest vlog nina Ranz at Niana ay mapapanood ang naging pagbisita ng Kamsamii Family kung saan makikitang nag-bonding ang dalawang pamilya lalo na ang mga batang sina Natalia, Mela, at Stella.

At habang abala ang tatlong bata na nagsasayaw at nagkukulitan sa loob ng kwarto ay kinausap na nina Ranz at Niana sina Melai at Jason para sa pinaplano nilang “ampon prank”.

Agad namang pumayag ang mga dating “Pinoy Big Brother” housemates at buong pusong ipinagkatiwala sa magkapatid ang kanilang mga anak ngunit binalaan ang dalawa na hindi basta basta ang kanilang mga anak.

“Medyo ‘yung mga anak kaso namin hindi naniniwala,” sabi ni Melai.

Dagdag pa ni Jason, “Pwede. Try natin kasi very wise sila.”

Nagbigay pa nga ng suhestiyon si Melai kung paano mas mapa-prank ang kanilang mga anak. Agad namang sinaway ni Jason ang asawa dahil binabago nito ang bet na prank ng magkapatid na content creator. Sinabi rin ni Jason na i-try muna ang unang plano ng dalawa.

“Binypass mo na naman ang kanilang [content]. Mahilig ‘yang mang-bypass,” seryosong sabj ni Jason na ikinatawa ng lahat.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros muntik maiwan ng flight, namutla sa kaba: ‘Patuloy lang ang biyahe in the name of raket…’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Naisip ko lang a. Siguro mga ilang minutes pagkalumabas sila, wala na lahat kami. Saka n’yo ie-explain sa kanila [na aampunun n’yo muna sila],” suhestiyon ng asawa ni Melai.

Sinita rin nito ang asawa dahil baka marinig ng mga bata ang plano sa lakas ng boses nito. Ipinagkatiwala na rin niya ang mga anak kina Ranz.

“Ito [Jason] kasi sobrang sensitive niya sa mga anak niya kaya siya ang last say [sa pamilya namin]. Actually, katulong talaga nila ako. Sila lang ang pamilya,” kwelang banat pa ni Melai.

Isinagawa na nga nila ang plano at tahimik na umalis para mas kapani-paniwala ang prank.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ang mga bata at doon nila nalaman na wala na ang kanilang Mama Melai at Papa Jason.

Agad namang na-sense nina Mela at Stella na mukhang pina-prank sila kaya umakting na si Ranz para mawala ang hinala ng dalawa na prank lang ang pagkawala nina Melai at Jason.

“Alam ko na. Huwag na kayong mag-ganyan ganyan. Hindi. Nag-prank prank lang kayo kasi ‘yun ‘yung challenge,” sey ni Mela.

Sagot naman ni Ranz, “Si Kuya Jason and si Ate Melai, sabi nila sa amin dito daw muna kayo for 30 days.”

Nag-worry naman ang dalawa dahil wala silang damit na gagamitin.

Sa kabilang dako naman ay nakasakay sila Melai sa sasakyan at nag-iikot para sa mas makatotohanang prank.

“First time naming itong ginawa, guys, kasi nagtiwala naman kami kay Niana at kay Ranz na hindi naman nila sobrang sasaktan (ipa-prank) [ang dalawa].

“Pero ito, hangad namin na sana magtagumpay sila sa prank kasi ‘yung mga batang ‘yun very wise din. Hindi mo [mapapaniwala ‘yun],” lahad pa ni Melai.

Nagwo-worry naman na si Mela at unti-unti nang naniniwala na totoong iniwan na sila ng ina.

Nag-videocall pa si Melai para mas maging makatotohanan ang prank at hindi nila inaasahan na magiging masaya pa si Stella na inaakala nilang iiyak.

“Hindi pa ako nakakita ng artista,” nakangiting sabi ni Stella habang kausap ni Melai at sumasayaw pa.

“Itong mga batang to kailangan talaga nitong i-rehab e. Ok lang sa kanila na iwan sila ng 30 days,” sabi ni Melai.

Pinatotohanan naman nina Ranz at Niana na talagang wise sina Mela at Stella gaya ng sabi ni Jason.

Sey ni Melai, kung wala lang silang work ay talagang hahayaan niyang mag-stay hanggang gabi ang mga bata hanggang sa umiyak ang mga ito.

Nang i-reveal nila na prank lang ay sinabi ni Mela na feeling niya ay prank pa rin talaga kaya kinausap niya raw si Stella na i-reverse prank rin nila ang lahat at paniwalain ang mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sinabi ko kay Steya, i-prank natin sila. Kunwari na ok sa amin para ma-prank namin kayo,” sey ni Mela kina Melai at Jason.

Related Chika:
Melai Cantiveros personal na binisita ang ‘patron’ ng birthday niya at ng 2 anak: ‘Doble ang ibinibigay Niyang blessings!’

Melai Cantiveros, Jason Francisco ayaw tantanan ng ‘hiwalayan’ issue, ano nga ba ang totoo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending