Melai, Jason proud nanay at tatay sa pag-graduate ni Stella sa kindergarten; nakatanggap ng 2 medal | Bandera

Melai, Jason proud nanay at tatay sa pag-graduate ni Stella sa kindergarten; nakatanggap ng 2 medal

Ervin Santiago |June 05,2023
facebook
share this

Melai, Jason proud nanay at tatay sa pag-graduate ni Stella sa kindergarten; nakatanggap ng 2 medal

Ervin Santiago - June 05, 2023 - 12:12 PM

Melai, Jason proud nanay at tatay sa pag-graduate ni Stella sa kindergarten; nakatanggap ng 2 medal

Jason Francisco, Melai Cantiveros, Mela at Stella Francisco

PROUD na proud ang Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros sa latest achievement ng bunso niyang anak na si Stella Francisco.

Yes, nag-graduate na ang bagets sa kindergarten at nabigyan pa ng dalawang medal dahil sa kanyang katalinuhan at pagiging bibo sa klase.

Ipinost ni Melai sa kanyang Instagram account ang mga litrato nilang pamilya na kuha matapos ang graduation ceremony ni Stella kasama ang asawang si Jason Francisco at ang panganay nilang si Mela.

Aniya sa caption, “Graduation Day ng aming Baby Steya Lablab, best day ever din kay Stella and syempre grateful day today kmi dahil dalawa ang medal ng aming Bebelablab.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)


“Pero gustu pa rin daw nya sa skul nya kahit walang elementary kaya next balik eskwela balik kinder pa dn daw cyaaa  Char lang!” dagdag pa niya.

Todo ang pasasalamat niya sa Diyos at sa lahat ng mga teacher na talagang nagsisilbing ikalawang magulang ni Stella kapag nasa school.

“Thank you kay Lord sa sipag, tyaga at saya mu sa skul mahal and Thank you Lord sa sipag tyaga ng mga teacher sa DML School mga sisters na gwapa kaayu ug maayu mutudlo (magaling masyadong magturo),” sabi pa ng komedyana.

Baka Bet Mo: Melai sa nakakalokang reaksyon ng 2 anak nang makita ang kanilang poster: ‘Hindi sila makapaniwala na nasa mall ang mukha nila’

Sandamakmak na comments ang nakuha ng IG post ni Melai at lahat ay tuwang-tuwa sa achievement ni Stella bilang isang mag-aaral.

“Congratulations to Stella and also to @mrandmrsfrancisco. Keep up the good work.”

“Congrats Baby Stella Goodluck and God Bless.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)


Sa IG post ni Melai last February, tuwang-tuwa ang komedyana nang maging endorser ang dalawa niyang anak para sa isang clothing brand.

“Di makapaniwala aking Ate at Baby na nasa Mall mukha nila. Cute nmn mga mahal ko ui. Kaya thank you tayu kay Lord na may nagtiwala sa inyu,” ani Melai.

Sa isang panayam naman natanong ang TV host kung papayag ba siya na pasukin dina nina Mela at Stella ang showbiz, “Kung talagang papalarin sila, kung pagbibigyan ng Panginoon na dito ilagay yung journey nila sa show business.

“Talagang sobra akong happy, pero hindi ko masyado nakikitaan kasi nga si Jayson ang balancer namin, e. So, ngayon gina-grab lang namin yung mga opportunities.

“Ang focus kasi talaga nila is school, pero kahit papaano nakikitaan ko kasi na ini-invite-invite sila kasi natatawa mga tao sa kanila,” sey pa ng komedyana.

Melai personal na binisita ang ‘patron’ ng birthday niya at ng 2 anak: ‘Doble ang ibinibigay Niyang blessings!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bossing may hugot sa pagiging bunso sa pamilya, may tampo nga ba sa mga kapatid?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending