Bossing may hugot sa pagiging bunso sa pamilya, may tampo nga ba sa mga kapatid? | Bandera

Bossing may hugot sa pagiging bunso sa pamilya, may tampo nga ba sa mga kapatid?

Ervin Santiago - December 31, 2021 - 07:17 AM

Joey de Leon, Vic Sotto at Tito Sotto

NAKAKAALIW ang kuwento ng veteran comedian at TV host na si Vic Sotto tungkol sa kanyang kabataan at bilang bunso sa magkakapatid na Sotto.

Sa unang pagkakataon, sumalang si Bossing sa “Bawal Judgemental” ng “Eat Bulaga” bilang isa sa mga choices kasama ang kapatid na Sen. Tito Sotto, sina Joey de Leon, Allan K at Jimmy Santos.

Sa isang bahagi ng segment ay  nagkuwento nga ang mister ni Pauleen Luna ng kanyang mga unforgettable experience noong kanyang kabataan.

Si Vic ang bunso sa apat na magkakapatid kaya tulad ng ibang pamilyang Pinoy madalas na napupunta sa kanya ang mga pinaglumaang gamit ng mga kuya niya.

“Mga disadvantage lang, tingnan mo yung korto (salawal) ko, kung colored yan, kitang-kita mo na kupas na kupas na ‘yan.

“E, tatlo pagdadaanan nu’ng korto bago pa makarating sa akin, e. Pagdating sa akin ng briefs, bacon na ‘yun. 

“Para hindi mahulog pinapardible ko na lang ‘yun tapos yung medyas nilalagyan ko ng goma para hindi bumaba,” ang kuwento pa ni Bossing.

Ngunit agad namang nilinaw ng veteran comedian na wala siyang tampo o naramdamang inggit noon kahit mga pinaglumaan na ang  madalas na ipinagagamit sa kanya.

“Hindi ako dumating doon sa punto na, ‘bakit yung badge ko kupas na, bakit yung korto ko kupas na rin,’ e, siguro nu’ng bata ka hindi mo naman naiintindihan ‘yun e,” paglilinaw pa ni Vic.

Ngunit sabi ng TV host, malaki pa rin ang pasasalamat niya sa kanyang mga kuya lalo na noong nag-aaral pa sila dahil natutulungan talaga siya ng mga ito sa mga assignments niya.

Hirit ni Vic, “E, kasi naman marami akong tutor. Tatlo yung tutor ko, kapag medyo may hindi ako maintindihan, tatlo yung pinagtatanungan ko. ‘Yun ang isa sa mga advantage kapag nasa dulo (bunso) ka.”

View this post on Instagram

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/283091/bossing-emosyonal-sa-67th-quarantine-b-day-ang-wish-ko-good-health-para-sa-lahat-ng-tao
https://bandera.inquirer.net/297154/pauleen-ibinandera-ang-10-taong-relasyon-nila-ni-bossing-know-that-in-this-life-i-will-always-choose-you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending