KathNiel, Melai ‘confirmed’ na dadalo sa Asia Artist Awards 2023

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Melai Cantiveros ‘confirmed’ na dadalo sa Asia Artist Awards 2023

Pauline del Rosario - October 19, 2023 - 04:30 PM
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Melai Cantiveros ‘confirmed’ na dadalo sa Asia Artist Awards 2023
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Melai Cantiveros

ASAHANG present sa inaabangang Asia Artist Awards (AAA) 2023 ang real life celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pati na rin ang comedienne-actress na si Melai Cantiveros.

Ang nasabing event ay nakatakdang mangyari sa Philippine Arena sa Bulacan sa darating na December 14.

Ang partisipasyon ng tatlong bigating Kapamilya artists ay kinumpirma ng South Korean media outlet na Star News noong October 18. 

Wala pang detalye kung ano ang magiging role ng tatlo, pero usap-usapan na posibleng sila ang magbibigay ng parangal sa mga nanalo o kaya naman ay makakatanggap ng award sa nasabing event.

Ang mga makakasama nina Kathryn, Daniel at Melai ay ang Pinoy pop groups na SB19 at HORI7ON na nauna nang kinumpirma ang kanilang attendance.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros ibinandera ang magiging role sa isang Korean movie: Sobrang best blessing ever ito ni Lord

Ang AAA ay isa sa mga biggest entertainment ceremonies sa South Korea kung saan kinikilala ang mga mang-aawit at aktor na may malaking impact sa music, film at television.

Para sa iba, ang awarding event ay katumbas ng pinagsamang Grammys at Oscars na tampok din ang iba’t-ibang performances.

Base sa mga ulat, ang mga magiging parte ng lineup na magtatangahl dito sa Pilipinas ngayong taon ay ang K-Pop groups na Seventeen BSS (BooSeokSoon), NewJeans, LE SSERAFIM, NMIXX, BoyNextDoor, ZEROBASEONE, Stray Kids, ONEUS, Kingdom, ATBO, at LUN8.

Ang mga kasali naman sa awarding ceremony ay ang mga grupong The Boyz, ITZY, Dreamcatcher, KARD, STAYC, Kep1er, Tempest, Lapillus, Japanese boy group &Team, South Korean rappers na sina DinDin, Lee Young-ji, at Ash Island, pati na rin ang singer-actress na si Kim Se-jeong, solo artists na sina Kim Jae-joong at Kwon Eunbi, at Chinese singer na si Yao Chen.

Sa mga naunang edisyon ng award-giving body, nauna nang kinilalang bilang “Asia Celebrity in Television and Film” ay sina Bright Vachirawit, Win Metawin, at Yoo Ah-in noong 2021, habang noong 2022 ay sina PP, Bilkin, Kwon Yu-ri, at Kim Seon-ho.

Ang mga nabigyan naman ng “Asia Celebrity in Music” awards last year ay sina Lyodra at Itzy.

Related Chika:

Kathryn super proud sa KathNiel fans: ‘They allow us to grow…hinahayaan nila kaming gawin kung saan kami masaya’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pati mga hugot nina Nadine at Liza tungkol sa ‘loveteam’ ginawang isyu ng netizens: Sino nga ba ang tama at nasa katwiran?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending