Kathryn super proud sa KathNiel fans: 'They allow us to grow...hinahayaan nila kaming gawin kung saan kami masaya' | Bandera

Kathryn super proud sa KathNiel fans: ‘They allow us to grow…hinahayaan nila kaming gawin kung saan kami masaya’

Ervin Santiago |March 29,2023
facebook
share this

Kathryn super proud sa KathNiel fans: ‘They allow us to grow…hinahayaan nila kaming gawin kung saan kami masaya’

Ervin Santiago - March 29, 2023 - 06:26 AM

Kathryn super proud sa KathNiel fans: 'They allow us to grow...hinahayaan nila kaming gawin kung saan kami masaya'

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

PROUD na proud at super thankful ang award-winning Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa mga loyal fans nila ni Daniel Padilla.

Nagpapasalamat si Kathryn sa milyun-milyong KathNiel fans na hanggang ngayon ay patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanila dahil hinahayaan silang mag-grow individually.

Nitong nagdaang Monday, March 27, in-announce ni Kath sa madlang pipol na  Bernardo na tatlong bonggang pelikula ang gagawin niya sa mga susunod na buwan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


Una na nga riyan ang dark comedy na “A Very Good Girl” at ang historical drama na “Elena 1944” kung saan gaganap siya bilang comfort woman noong Japanese occupation.

At bukod nga rito, matutuloy na rin ang reunion movie nila ni Daniel na ididirek ng blockbuster filmmaker na si Cathy Garcia-Molina bilang tugon sa matagal nang request ng KathNiel.

“I think there will be another, a different announcement for DJ naman. But alam naman nating lahat na like Direk Cathy, she announced na, what Inang (Olivia Lamasan, magdidirek ng Elena 1944) said kanina, I will be doing a movie with DJ right after ‘A Very Good Girl.’

Baka Bet Mo: Kathryn, Daniel ibinandera ang isang dekadang relasyon, aamin na ba kung anong sikreto?

“I think ‘yung mga fans naman sa kanila na rin nanggaling which is ‘yun ang natutuwa at napa-proud ako sa fans namin na KathNiel and individually because they allow us to grow.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema)


“They let us do what makes me happy, what makes DJ happy. And eto, alam ko naman na ito rin ang gusto nila kasi alam ko na ito palagi kong naririnig na hinahanap nila,” pahayag ng Kapamilya star.

Ayon pa kay Kath, mutual decision nila ni DJ na magsolo muna sa mga susunod  nilang projects, “Si DJ, KathNiel will always be there. ‘Yun naman ang palagi kong sinasabi.

“Ang importante kami ni DJ off-cam kami ay nagsusuportahan sa isa’t isa. And sa mga gagawin ni DJ in the future 100% susuportahan ko siya kasi alam ko na masaya rin siya sa gagawin niya.

“So mayroon kaming gagawin individually but mayroon pa rin under Direk Cathy. So binigyan lang namin siguro ‘yung time because we both needed to do this.

“Approved ito naming dalawa, mutual decision ito naming dalawa and excited din ako what is in store for DJ,” chika pa ni Kathryn sa panayam ng ABS-CBN.

Samantala, ayon sa premyadong aktres, big deal para sa kanya ang pagbibigay sa kanya ni Daniel ng blessing na gawin ang “Hello, Love, Goodbye” kasama si Alden Richards.

“Mayroon lang siguro kaming ibang career path ngayon but parati namang magmi-meet ulit. Kailangan lang namin ng konting oras para mas maganda at mas ready ulit kami kapag nagsama na ulit kami ni Deej,” pahayag ni Kath.

Kathryn, Daniel 11 years nang magka-loveteam, nagpasalamat sa KathNiel fans: Still can’t believe how far we’ve come!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sarah sa KathNiel: Mabait sila sa akin, wala silang yabang!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending