Kathryn, Daniel 11 years nang magka-loveteam, nagpasalamat sa KathNiel fans: Still can't believe how far we've come! Bandera

Kathryn, Daniel 11 years nang magka-loveteam, nagpasalamat sa KathNiel fans: Still can’t believe how far we’ve come!

Ervin Santiago |September 05,2022
share this

Kathryn, Daniel 11 years nang magka-loveteam, nagpasalamat sa KathNiel fans: Still can’t believe how far we’ve come!

Ervin Santiago - September 05, 2022 - 12:45 PM

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng Kapamilya couple na sina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla sa milyun-milyong KathNiel fans all over the universe.

Muling ibinabalik nina DJ at Kath sa kanilang loyal supporters ang kanilang pagmamahal bilang bahagi ng kanilang 11th anniversary celebration bilang magka-loveteam.

Sa kanyang Instagram account, nag-post kahapon, September 4, si Kathryn ng isang video clip nila ni Daniel kung saan pinasalamatan nga nila ang mga fans na mahigit isang dekada nang sumusuporta sa kanila.

“Happy 11th anniversary to the best fandom anyone could ever ask for! Thank you for the 11 wonderful years, KathNiels.

View this post on Instagram

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


“Growing up with you is something that we’ll cherish forever, and reminiscing all the memories we’ve shared will always bring a smile to our faces,” simulang mensahe ni Kathryn sa KathNiel fans.

Aniya pa, “Still can’t believe how far we’ve come! We’ll work hard to continue making you proud. Maraming salamat. Mahal namin kayo! Kita kita tayo soon, okay?” sabi pa ng award-winning actress.

Nagsimula ang tambalang Kathryn-Daniel noong 2011 sa weekly youth-oriented series bg ABS-CBN na “Growing Up.” Noon pa lang ay very open na si DJ sa paghanga niya kay Kath hanggang sa ligawan na nga niya ito at maging girlfriend.

Ang ilan pa sa mga teleseryeng nagawa nila ay “Got to Believe,” “Pangako Sa ‘Yo” at “La Luna Sangre.” Nagbida rin sila sa mga blockbuster films na “She’s Dating the Gangster,” “Barcelona” at “The Hows of Us.”

Sa isang panayam, sinabi nina DJ at Kath na ang pagmamahal at respeto nila sa isa’t isa ang sikreto sa matagumpay nilang loveteam.

“There’s no exact formula talaga na, ‘Okay, if you do this, magiging 10 years din kayo ng love team niyo, ito ‘yung secret.’

“But I think, if there’s something na since day one, up until now, 10 years after, it’s respect and teamwork. Iyon ‘yung ginagawa namin ni DJ over the years,” pahayag ni Kathryn.

“Iyun ‘yung nagwo-work for us. So hindi ko rin masabi na gawin niyo ‘yun ta’s iyon ‘yung mangyayari sa inyo.

“But, kasi, teamwork is very important, na hindi niyo nakikita ang isa’t isa as competition. Dapat nagtutulungan kayo paakyat. With DJ, hawak-kamay kami, through thick and thin, nandiyan kami para sa isa’t isa,” aniya pa.

Sey naman ni Daniel, “It’s love and respect and ‘yung support sa isa’t isa. ‘Yung suporta namin sa isa’t isa, sa kahit anong eksena, iyon ‘yung pinakaimportante.”

Napapanood ngayon sina Kathryn at Daniel sa super hit series na “2 Good 2 Be True” every weeknights sa Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, Cinemo, TFC IPTV, TV5 at iWantTFC.

Kathryn, Daniel ibinandera ang isang dekadang relasyon, aamin na ba kung anong sikreto?

Loyal KathNiel fans na may mga trabaho at anak na nag-sorry kina Kathryn at Daniel, bakit kaya?

Daniel, Kathryn may hugot sa lock-in taping: Kapag paulit-ulit na ‘yung ginagawa mo, parang nakakapagod din…

Moira nakitira sa condo ni Sam nang tamaan ng matinding depression

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending