Carlos may hugot sa KathNiel, LizQuen, JaDine; bashers binarag

Carlos Agassi may hugot sa KathNiel, LizQuen, JaDine; binarag mga basher

Ervin Santiago - January 09, 2025 - 06:00 AM

Carlos Agassi may hugot sa KathNiel, LizQuen, JaDine; binarag mga basher

Carlos Agassi at Sarina Yamamoto

RUMESBAK ang actor-rapper na si Carlos Agassi sa mga bashers na nangnenega sa relasyon nila ng kanyang partner na si Sarina Yamamoto.

Inookray kasi ng mga negatron sa social media ang magdyowa at nagwi-wish na sana’y tuluyan na raw mawasak ang kanilang relasyon at maghiwalay na.

Bilang ganti, nag-post si Carlos sa kanyang Instagram account ng collage ng mga litrato ng kilalang celebrity couples na naghiwalay na.

Naroon ang mga photos nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel), James Reid at Nadine Lustre (JaDine), Liza Soberano at Enrique Gil (LizQuen).

Baka Bet Mo: Bwelta ni Andrea sa bashers: I’m not perfect pero hindi masama ugali ko!

Nasa litrato rin ang mag-ex na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, Bea Alonzo at Dominic Roque, Barbie Forteza at Jak Roberto, at sina Maris Racal at Rico Blanco.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlos Agassi (@carlosagassi)


Black and white ang mga litrato ng dating mga magdyowa habang colored ang sa kanila ni Sarina at nasa itaas pang bahagi ng collage.

Ang punto ni Carlos, ibang-iba ang feeling kapag compatible ang magdyowa sa halos lahat ng bagay tulad sa kanila ng kanyang wifey.

“Mga gusto kaming maghiwalay wala na Kayo sa mundo kami pa din ng wify ko #sarinaagassi #mrmrsagassi #carlosagassi.

“Lab na lab iba pag nahanap mo happiness mo, forever mo, best friend mo, partner un crime mo, parehe kayo mag isip at ng trip.

“At higit sa lahat mas malupit mag rap kesa sa akin wahahaha,” ang nakasulat na caption sa post ni Carlos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sanay na sanay na sina Carlos at Sarina sa pamba-bash ng mga netizens dahil sa kanilang mga naughty songs at music video.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending