Daniel: Nu'ng panahon na ang gugulo n'yo, namundok ako

Daniel: Nu’ng panahon na ang gugulo n’yo, ako ay nanahimik at namundok

Ervin Santiago |February 13,2024
facebook
share this

Daniel: Nu’ng panahon na ang gugulo n’yo, ako ay nanahimik at namundok

Ervin Santiago - February 13, 2024 - 09:42 AM

Daniel: Nu'ng panahon na ang gugulo n'yo, ako ay nanahimik at namundok

Daniel Padilla at Robi Domingo

NAMUNDOK ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla noong kasagsagan ng kontrobersya sa paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo.

Nagdesisyon si DJ na pansamantala munang lumayo sa gulo at ingay ng showbiz nitong mga nakaraang buwan para na rin sa ikatatahimik ng kanyang puso at isipan.

Nagkuwento ang binata tungkol sa mga  kaganapan sa buhay niya pagkataps ng kanyang contract signing sa ABS-CBN kahapon, February  12. Kabilang na nga riyan ang pamumundok niya kasama ang mga kapatid.

Baka Bet Mo: Daniel desperado na, nagpatulong sa mga kaibigan para balikan ni Kathryn?

“Noong mga panahon na ang gugulo ninyo, ako ay nanahimik at namundok muna kasama ko ang mga kapatid ko,” pahayag ng ex-boyfriend ni Kathryn Bernardo.

“Diyos ko, I had the best time. Lumayo lang muna ako sa harap ng mga camera. You know, it’s work. I have friends in my work. But this is not my life,” pagbabahagi pa ng aktor.

Dugtong pa niya, “Malaki ang mundo ko sa labas din ng industriya. ‘Yun ‘yung nagpaparamdam sa akin na tao pa rin ako, e. At hinding-hindi ako pwedeng lumayo doon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nagpasalamat din ang binata sa kanyang mga kapatid dahil talagang naglaan ng oras at panahon ang mga ito para samahan siya sa “pagtira” sa bundok.

Nauna rito, pinasalamatan din ni DJ si Kathryn sa ilang taong pagsasama nila bilang magkarelasyon at magka-loveteam.

Baka Bet Mo: Daniel ka-partner sana ni Kathryn sa kasal ni Robi pero hindi natuloy

“Hinding-hindi ko makakalimutan si Kathryn. Maraming salamat sa maraming taon na pinagsamahan. Hinding hindi mawawala sa puso ko ang memories at ating adventures at journeys na pinagsamahan. Thank you very much,” ani DJ.

Ito naman ang message niya sa kanyang mga tagasuporta, “I am just very truly grateful sa tiwala at pagmamahal. Sa mga fans wala na akong hihilingin pa just thankful to you.

“I get random messages kasama ang positive, negative messages magkakasama ‘yan and I truly appreciate that it makes me human. So thank you very much.

“‘Yung mga mensahe niyo ay masakit man – totoo. At ‘yung iba nagbibigay ng positive messages, ang sarap sa puso kung alam niyo lang. Ang dami ko ring natutunan sa inyo,” pahayag ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

November last year nang aminin nina Daniel at Kathryn na tinapos na nila ang kanilang relasyon na tumagal din ng mahigit isang dekada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending