Gretchen Barretto tuluyan nang lalayasan ang showbiz: 'At least, hindi siya laos, hindi siya pulubi, hindi siya pangit! | Bandera

Gretchen Barretto tuluyan nang lalayasan ang showbiz: ‘At least, hindi siya laos, hindi siya pulubi, hindi siya pangit!

Reggee Bonoan |August 29,2022
facebook
share this

Gretchen Barretto tuluyan nang lalayasan ang showbiz: ‘At least, hindi siya laos, hindi siya pulubi, hindi siya pangit!

Reggee Bonoan - August 29, 2022 - 03:55 PM

Dominique Cojuangco

MARAMING nalungkot nang tuluyan nang magpaalam ang actress turned philanthropist na si Gretchen Barretto sa mundo ng showbiz.

Ito ang ibinalita ni Nanay Cristy Fermin kasama si Morly Alino at guest co-host na si Wendell Alvarez sa vlog nilang “Showbiz Now Na” sa YouTube.

“Ano ang masasabi n’yo na gusto na niyang lumayo sa ingay ng showbiz?” bungad ng beteranang manunulat at online host.

“Ay nalungkot ako do’n, ah nu’ng malaman ko ro’n,” sambit ni Wendell.

Inamin nitong wala na raw kasi siyang matatanggap na ayuda mula kay Gretchen, “Wala na akong bigas!”

Sinaway ni ‘Nay Cristya ng guest co-host, “Uy ‘wag naman ganyan! Ang tingin mo ba kay Gretchen…?”

Tawang-tawa naman sina Morly at Wendell at sinabi ng huli na isa lang iyon sa ikinalulungkot niya. Ipinaliwanag niya na sayang dahil bukod sa maganda ay magaling naman siyang artista.

“Paano kung mawala siya, mawawala na ang magaganda sa showbiz,” katwiran ni Wendell.

Ayon naman kay Morly sa pag-alis ni Greta, “At least ate Cristy grand exit ang gagawin niya. Hindi siya laos! Hindi siya pulubi! Hindi siya pangit!

“Nasa itaas pa rin siya at naisipan niyang bumaba sa kanyang kinalalagyan, hindi siya ibinaba, kusa siyang bumaba. Ibig sabihin hindi siya inayawan ng mga tao at hindi rin naman niya inayawan ang mga tao kundi dinisyunan niya,” sabi nito.

Oo nga, si Gretchen ang artista na kahit walang regular show o pelikula ay napanatili pa rin ang pangalan sa showbiz dahil parati siyang napag-uusapan, nasusulat at trending pa.

Lalo na nga sa ginawa niyang pagtulong sa lahat nang mamahagi siya ng “Love Box” bukod pa sa mga ambulansiyang ibinigay sa ilang hospitals.

Para kay Nanay Cristy, “Ako naman iniisip ko lang 14 Going Steady (1984 movie ni Greta) ang una niyang pelikula sa Regal (Films). Katorse anyos siya, dito na siya nagkaedad sa showbiz.

“(Umikot na sa) pelikula, telebisyon, hosting, acting, singing. Siguro nga po dumarating ang tao sap unto na hindi sa nagsasawa kundi pinipili nap o niya kung ano ang lugar na gusto niyang puntahan.

View this post on Instagram

A post shared by Dominique Cojuangco (@dominique)


“Katulad ni Gretchen, ang mahalaga sa kanya ngayon ay mag-alaga na lang ng kanyang apo kay Dominique (Cojuangco- Hearn). Ayaw na po niya ng ingay ng showbiz, ayaw na niya ‘yung maraming away-away at kung anu-anong mga iskandalo.

“Lahat naman gustong makarinig ng palakpak kaya lang ito na ‘yung pinili niyang buhay at ganu’n talaga ‘yun,” sabi pa ng online host.

Sundot naman ni Morly, “Ako masaya ako kay Gretchen kasi una ate Cristy at Wendell, mabibigyan niya ng chance ‘yung mga nagsisimula kasi masyado ng crowded.

“Marami na masyadong nag-aartista kaya bigyan niya ng pagkakataon. Secondly, nakapag-ipon siya na kahit hindi siya magtrabaho, hindi siya magugutom.

“At third ate Cristy, dito sa pagku-quit niya sa showbiz ay isa ang nakikita ko na posibleng maayos at matapos na ang problema nilang magkakapatid. Dahil as long as si Gretchen ay nasa limelight ay hindi siya titigilan ng intriga,” aniya pa.

Pabor naman si ‘Nay Cristy sa pahayag ng co-host, “Totoo! At sana magkasundu-sundo na sila (dahil) ito ‘yung pinagkapistahan kung kailan naman yumao ang kanilang Patriarka (tatay ng magkakapatid na Barretto).”

Naikuwento rin ni Morly na bata palang si Greta ay siya na ang breadwinner ng pamilya nila.

Sabi pa ni ‘Nay Cristy, “Nakakatuwa at hindi siya nagpaparada ng mga sikat niyang branded (sabi rin ni Morly na never nagbanggit na mahal ang gamit niya).

“Secure na secure siya (sa sarili). Kapag may nagre-request ng pictorial ayaw niya kasi ayaw niyang maramdaman ng publiko na siya ay nagyayabang. Alam mo ba siya kapag mag-a-abroad isang luggage lang ang dala niya saka hand carry niya ‘yung bag niya pero pagbalik naman doon na siya bibili and she can afford naman,” sabi pa.

Nasambit din ni Morly na si Gretchen ang pinakagusto niya kumpara sa mga kapatid nitong sina Marjorie at Claudine.

Pagtatanggol naman ni Nanay Cristy, “Mababait naman silang mga bata lalo na nu’ng nagsisimula sila at nagkaroon lang sila ng mga disgusto noong nagsilaki na sila. Nagkaroon na ng sibling rivalry pare-parehong artista kasi.”

Nabanggit din na regalo na ni Greta sa sarili ang paglayo niya sa mundo ng showbiz pagkatapos ng maraming gulo lalo’t nasangkot sa maraming kontrobersya noong bata pa siya at ang pinakamatindi nga ay ang naghihintay ng paghihiwalay nila ng longtime partner niyang si Tonyboy Cojuangco na hanggang ngayon ay nananatiling sila pa rin.

At dahil mas pinili na nga ni Gretchen na mag-alaga ng apo kaya siya aalis ng showbiz ay natanong ni Morly kung gaano katimbang ang apo sa anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tugon ni ‘Nay Cristy na may limang apo na, “Mas matimbang ang tubo kaysa sa puhunan, totoo ‘yun. Kunwari ang mga anak ko may gustong hingin sa akin paumang nila mga apo ko, ‘sabihin mo kay wowa (Nay Cristy), ito gusto natin.’”

Claudine proud sister ni Gretchen: You, my Ate, are the ‘Queen of people’s hearts’

Gretchen, Claudine maayos ang relasyon: You are the most beautiful to me, my love!

Gretchen mamimigay ng ‘love box’ sa mga biktima ni Odette; Atong Ang biktima ng fake news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending