Kathryn Bernardo Kapamilya pa rin, magre-renew ng kontrata sa Star Magic
MANANATILI sa poder ng Kapamilya network ang award-winning actress na si Kathryn Bernardo.
Inanunsyo ito mismo ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, sa social media.
Ayon sa talent management company, nakatakdang mag-renew ng kontrata si Kathryn ngayong February 2.
Ibig sabihin niyan, hindi totoo ang kumakalat na chikang lilipat sa ibang talent agency ang aktres.
“A very special milestone is afoot our ‘Asia’s Superstar’ and ‘Outstanding Asian Star,’ Kathryn Bernardo!” caption sa Instagram ng Star Magic.
Dagdag pa, “This FEBRUARY 2, witness Kathryn flip the page to new stellar adventures as a Kapamilya in her ‘FOREVER KAPAMILYA’ contract signing!”
Baka Bet Mo: Kathryn, Jericho spotted together, may ‘something’ nga ba?
View this post on Instagram
Sa comment section, super excited na ang fans kay Kathryn at karamihan sa kanila ay nagpaabot ng “congratulatory” messages.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Yeheyyyy still Kapamilya our Queen Kathryn Bernardo [red heart emojis]”
“Congrats to the one and only ASIA’S PHENOMENAL SUPERSTAR [clapping hands emojis]!!! So proud of you FOREVER KAPAMILYA LOYAL AND FAITHFUL!!! [emojis]”
“Congratulations Kath and looking forward to your continuous growth as an actress and creating more blockbuster movies & teleseryes!”
“Super excited for you and I have so much love for you beautiful Kathryn GOD almight will continue to guide and protect you and open more doors for you Amen and Amen [folded hands emojis]”
“Congrats to the ONE & ONLY Kathryn Bernardo…My heart is always for you Idol..”
Baka Bet Mo: Tekla ibinandera ang tunay na dahilan kung bakit umalis sa poder niya ang panganay na anak
Kung maaalala, nauna nang dinenay ng ina ni Kath na si Mommy Min ang chikang lalayasan ng kanyang anak ang Kapamilya network kahit na hiwalay na sila ni Daniel.
“No. Hindi siya aalis ng Kapamilya network!” sey ni Mommy Min noong Disyembre.
Noong nakaraang linggo naman nang mabalita na pipirma ulit ng kontrata sa Star Magic ang ex-boyfriend ni Kath na si Daniel Padilla.
“Walang katotohanan na bibitawan nila ang aktor o aalis ang aktor sa kanilang bakuran,” sey ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe sa isang exclusive report.
Ngayong Pebrero rin naka-schedule ang pag-renew ng kontrata ng aktor.
Magugunitang nagsimula ang usap-usapan na lilipat ng talent agency ang dalawa matapos ang kumpirmasyon ng kanilang paghihiwalay noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.