Kathryn, Jericho spotted together, may ‘something’ nga ba?
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang post ng isang netizen kung saan makikitang magkasama ang Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales.
Agad kasing nag-viral ang post ng isang maswerteng faney na nakapagpa-picture nang hiwalay sa dalawang Kapamilya A-listers.
Ayon sa netizen, kasabay daw nila ang dalawa na nagdya-jogging sa area.
“Post ko na din sa wall ko para may remembrance. Kasabay lang namin mag jogging sila Kathryn Bernardo at Jericho Rosales,” saad netizen.
“Wag nang mag showbiz question kasi di ko din alam ang sagot,” dagdag pa niya.
Baka Bet Mo: Maris Racal handa nang sumabak sa mature roles; wish maka-collab sina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo
View this post on Instagram
Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang nakitang pagsasama nina Kathryn at Jericho.
May ilan na nag-iintrigang may something sa pagitan ng dalawa.
Samantalang ang iba nanan ay sinasabing baka nagba-bond lang sina Kathryn at Jericho para sa paparating nilang proyekto.
“Baka may project collab sila. Spotted din sila sa isang bar the other day,” saad ng isang netizen.
“Sana they’re just building some rapport bec my project sila. Parang weird kung may something,” wish naman ng isa sa kung anuman ang meron sina Kathryn at Jericho.
Chika naman ng isa, “Kaya ba inannounce separation nila ng wifey? Pra di mgka issue if spotted sila.”
Matatandaang sinabi noon ni Jericho na nais niyang makatrabaho si Kathryn sakaling mabigyan ng chance.
Kamakailan lang rin nang mamataan ang dalawa nang dumalo ito ng dinner kasama sina Maja Salvador, Bea Alonzo, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, at Mr. M.
Samantala, wala pa namang pahayag sina Kathryn at Jericho hinggil sa kumakalat na chika ukol sa kanilang dalawa.
Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng dalawa ukol rito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.