Maris Racal handa nang sumabak sa mature roles; wish maka-collab sina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo | Bandera

Maris Racal handa nang sumabak sa mature roles; wish maka-collab sina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo

Ervin Santiago |September 27,2022
facebook
share this

Maris Racal handa nang sumabak sa mature roles; wish maka-collab sina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo

Ervin Santiago - September 27, 2022 - 08:13 AM

Maris Racal

NGAYONG 25 years old na siya, mas gusto raw ng Kapamilya actress na si Maris Racal na sumabak sa mga mas mature at challenging projects.

Nag-celebrate ang dalaga ng kanyang 25th birthday last September 22 at isa raw sa mga hiling niya ay ang magkaroon ng mga proyekto kung saan masusubukan ang kanyang versatility as an actress.

Sa panayam ng Star Magic News, ibinahagi ni Maris ang ilan sa kanyang mga achievements bilang artist pati na ang mga nangyayari sa kanyang pribadong buhay.

“Sa personal, mas nahanap ko na ‘yung level na thankful ako sa lahat ng nangyayari. Dati kasi sobrang worried ako sa career ko but now sobrang happy ako sa mga nangyayari sa akin,” pagbabahagi ng dalaga.

Pagpapatuloy ng girlfriend ni Rico Blanco, “Sa career ko naman ang dami kong dream goals na natupad and dream directors na nakatrabaho.

View this post on Instagram

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)


“Feeling ko sobrang solve na ako don. But I am aiming for more but at the same time I feel very grateful and contented,” dagdag chika ng dalaga.

Natanong din siya kung sinu-sino pa ang mga local celebrities na nais niyang makatrabaho o maka-collab sa susunod niyang mga proyekto.

“Sana makatrabaho ko na si Jericho Rosales. Sana makatrabaho ko na si Kathryn Bernardo,” sagot ng dalaga.

Kasunod nito, nabanggit nga ni Maris ang tungkol sa kanyang career goals ngayong 25 years old na siya, “Since 25 na ako, siguro a bit more mature na. Gusto ko mag-mature na talaga even sa roles. Siyempre one step at a time.”

Paano naman niya ilalarawan o ikukumpara ang Maris Racal noon sa kung ano na siya ngayon? “Kung mako-compare ko ‘yung sarili ko sa younger Maris, masasabi ko na she gained more confidence and open.

“Mas willing na siyang matuto and mas nai-enjoy na ‘yung paligid niya. Hindi na siya anxious, hindi na siya nagwo-worry palagi. Masayahin,” pahayag ng Kapamilya actress-singer-songwriter.

Nauna rito, nagpasalamat si Maris sa lahat ng mga bumati at nakaalala sa kanyang 25th birthday. Nagkaroon siya ng party na dinaluhan ng mga kapamilya at ilang celebrity friends

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“This was my first time to throw a party and the pressure was real tbh  Thank you so much to everyone who came. U guys filled my heart with love,” ang caption ni Maris sa mga Instagram photos na kanyang ipinost.

Angeline ilang beses nang inalok na sumabak sa politika: Why not? Pero…

Darren kinarir ang pagpapaganda ng katawan sa Canada: My look is a lot more mature now

Bea, Dominic sumabak sa bagong challenge: Hindi tayo dapat pabigla-bigla, baka mag-away tayo

Kuya Kim gustong si Dingdong ang bumida sa kanyang life story; game na ring sumabak sa akting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending