Kathryn ninenega ng bashers, bad influence ba ang mga kaibigan?

Kathryn ninenega ng bashers, bad influence nga ba ang mga kaibigan?

Ervin Santiago |January 25,2024
facebook
share this

Kathryn ninenega ng bashers, bad influence nga ba ang mga kaibigan?

Ervin Santiago - January 25, 2024 - 11:31 AM

Kathryn ninenega ng bashers, bad influence nga ba ang mga kaibigan?

Kathryn Bernardo, Alora Sasam at Sofia Andres

PAKSYON-PAKSYON na umano ang mga tagasuporta nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na nagsimula noong maghiwalay ang magdyowa.

May mga kumampi kay DJ at meron namang nagtanggol kay Kathryn pero marami pa rin naman ang umaasa na darating ang panahon na magkakabalikan din sila.

Pero nitong mga nagdaang araw ay may mga pumupuna at namba-bash sa mga pinaggagagawa ni Kath at tila sinisisi ang ilang kaibigan niyang celebrities.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Partikular na tinukoy ng mga netizens ang mga BFF ni Kathryn na sina Sofia Andres at Alora Sasam. Mukhang hindi raw magandang impluwensiya ang mga ito sa ex-girlfriend ni Daniel.

Baka Bet Mo: Pakikipag-date ni Andrea naudlot dahil sa COVID; pa-yummy selfie ni Diego nag-viral dahil kay Barbie

Napag-usapan ang tungkol sa isyung ito sa latest episode ng “Cristy Ferminute” kung saan natanong nga ni Nanay Cristy  kung may konek ba ang mga kaibigan ni Kathryn sa mga negang balita tungkol sa aktres.

“‘Yung kay Kathryn Bernardo, ‘no? Hindi kagandahan itong mga huling nababasa natin, nasusulat, at saka mga komentong tinatanggap niya,” pahayag ni Nanay Cristy.

Aniya pa, “Diumano, kasi ‘di natin kilala ‘yung sina…bestfriend niya na si Sofia Andres saka ‘yung isa si Alora Sasam, hindi natin kasi sila kilala nang personal kaya hindi natin pwedeng tanggapin na mga hindi kagandahang impluwensiya nga kay Kathryn ang mga taong ito.

“May mga hindi nakakaunawa kay Kathryn ngayon. Dahil sabi nga natin, ngayon pa lang niya sinasamantala ang panahon para siya ay makapaglibang at mapatunayan at maranasan ang pagiging babaeng malaya,” ang punto pa ng veteran entertainment columnist.

Sabi naman ni Romel, nag-ugat ito sa mga ipino-post na mga litrato ni Kathryn sa social media kung saan makikita nga na ini-enjoy nito ang pagiging single.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Binibigyan naman ito ng negatibong interpretasyon ito ng mga netizens at sinasabing parang nagrerebelde at nagwawala raw umano si Kath mula nang maghiwalay sila ni DJ.

Baka Bet Mo: Ashley Ortega umaming hindi sila ‘friends’ ng ex-BF na mayor, nahirapan nga bang mag-move on sa breakup?

Sey naman ni Nanay Cristy may feeling siya kung saan nanggagaling ang pangnenega sa kanya ng haters kahit wala naman talaga siyang ginagawang masama.

“Tanggapin natin ang katotohanan. Naghati-hati po kasi. Nagkaroon ng paksyon-paksyon ang mga taga-suporta po ng KathNiel.

“May mga kampi kay Kathryn, mayroon din naman pong mga dumedepensa para kay Daniel Padilla,” sey ng radio-TV host.

“Kaya kung ano man po ang napapansin nila, doon sa hindi nila gusto o hindi kinampihan, ‘yon ang lumulutang po ngayon sa social media at sa mga pahayagan,” patuloy pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para kay Nanay Cristy, hindi na raw sana ibinabandera ni Kathryn sa social media ang mga litrato niyang may hawak na bote ng alak dahil talagang manenega siya ng mga taong hindi siya naiintindihan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending