Pakikipag-date ni Andrea naudlot dahil sa COVID; pa-yummy selfie ni Diego nag-viral dahil kay Barbie Bandera

Pakikipag-date ni Andrea naudlot dahil sa COVID; pa-yummy selfie ni Diego nag-viral dahil kay Barbie

Ervin Santiago |October 13,2021
share this

Pakikipag-date ni Andrea naudlot dahil sa COVID; pa-yummy selfie ni Diego nag-viral dahil kay Barbie

Ervin Santiago October 13, 2021 - 02:38 PM

Andrea Torres, Barbie Imperial at Diego Loyzaga

HANDANG-HANDA na rin ang puso ni Andrea Torres na magmahal muli makalipas ang halos isang taon nang maghiwalay sila ni Derek Ramsay.

Ayon sa Kapuso sexy actress, nakikipag-date na raw siya uli dahil naramdaman niya na okay na ang lagay ng kanyang puso na nasaktan nga ng bonggang-bongga nang maghiwalay sila ni Derek.

Pero aniya, natigil pansamantala ang pakikipag-date niya sa hindi niya tinukoy na guy dahil sa pagpapatupad muli ng mas mahigpit na health protocols dulot pagtaas na naman ng COVID-19 cases. 

“Yes, actually nag-start na ako naudlot lang. Bago mag last ECQ (enhanced community quarantine), lumalabas-labas na rin ako, ready to meet other people pero nu’ng nag-lockdown ulit, nag-stop muna. Siyempre safety first,” ang pahayag ng dalaga sa panayam ng “24 Oras.”

Kasunod nito, sinabi ni Andrea na napakalaki ng nagagawa ng pagpapatawad para sa mabilis na pagmu-move on sa pagiging heartbroken.

“Hindi kailangang sabihin ng tao na ‘sorry’ para patawarin mo siya. Nanggagaling yun sa heart. Choice mo nang i-let go,” paalala ng dalaga sa lahat ng mga dumaranas din ng pagkabigo sa larangan ng pag-ibig.

Kung nakikipag-date pa lang uli si Andrea, nakatakda namang ikasal ang ex-boyfriend niyang si Derek kay Ellen Adarna.

* * *

Viral naman ngayon sa social media ang mga mirror selfy ng hunk actor na si Diego Loyzaga kung saan ibinandera nito ang kanyang mas hunky body.

Maraming pumuri sa ganda ng katawan ngayon ni Diego pero ang mas pinag-usapan nga ng netizens ay ang babaeng nag-photobomb sa mga litrato niya na walang iba kundi ang girlfriend niyang si Barbie Imperial. 

Makikita sa mga nasabing litrato ang magdyowa na nasa loob ng isang kwarto. Komento nga ni Barbie sa hubad na photo ng aktor, “Kanin na lang.” 

Ilang netizens ang nagtanong kung bakit magkasama sa iisang room ang dalawa at parang kagigising lang daw ng mga ito base na rin sa kanilang mga suot at itsura.

May nagsabi naman na magkasama raw ang celebrity couple sa kwarto dahil kasalukuyang nasa lock-in shooting ang mga ito para sa ginagawa nilang pelikula.

Sa isang panayam, ibinandera ni Diego na napakaswerte niya kay Barbie, “I’m lucky to have you as my partner. No relationship is perfect nor easy. It takes effort, a little struggle and a whole lot of commitment… and for you it’s worth all of it.” 

Aniya pa, totoong napag-uusapan na rin nila ni Barbie ang tungkol sa kasal, “Kasi ‘yung pupuntahan niyo eventually is marriage, have a family, have kids. So, ganoon ko siya tinitingnan with Barbie, and ganoon din naman niya tinitingnan with me.” 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending