Daniel balak ding ibenta ang bahay, true kaya na naghihirap na?

Daniel Padilla balak ding ibenta ang bahay, true kaya na naghihirap na?

Ervin Santiago |January 18,2024
facebook
share this

Daniel Padilla balak ding ibenta ang bahay, true kaya na naghihirap na?

Ervin Santiago - January 18, 2024 - 10:55 AM

Daniel Padilla balak ding ibenta ang bahay, true kaya na naghihirap na?

Daniel Padilla

TALAGANG ayaw tantanan ng mga nakakalokang intriga at kontrobersya ang Kapamilya actor-singer na si Daniel Padilla.

Mula nang maghiwalay sila ni Kathryn Bernardo ay hindi na siya tinigilan ng mga netizens na walang ginawa ngayon kundi ang batuhin siya ng masasama at malilisyosong salita.

Naniniwala kasi sila na si DJ ang nagloko at ang may kasalanan kaya nawasak ang relasyon nila ni Kath na tumagal ng mahigit isang dekada.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Lumipad kamakailan patungong Dubai si Daniel nang mag-isa para umano makalayo sa mga Marites na hindi pa rin tumitigil sa pamba-bash sa kanya dahil sa kasalanan niya kay Kathryn.

Baka Bet Mo: Jimmy Santos totoo nga bang naghihirap na kaya suma-sideline sa palengke?

Marami naman ang nagkomento na naghihirap na rin daw ang anak ni Karla Estrada dahil ang tagal nang nakatengga ang kanyang career at wala nang masyadong pinagkakaabalahan.

Mas uminit pa ang nasabing usapin nang mapabalitang ibinebenta na niya ang isang sports car sa halagang P6.5 million sa content creator na si Boss Toyo.

Kasunod nito, plano na rin daw ibenta ng aktor ang kanyang bahay dahil wala nang masyadong pinagkakakitaan. Ito’y base sa isang vlog na kumakalat ngayon sa social media.

Pero kinontra ang tsismis na ito sa latest episode ng “Cristy Ferminute” last Wednesday, January 17, kung saan sinabi ng premyadong TV host at veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin na hindi siya kumbinsido na naghihirap na si DJ.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi ako naniniwala doon. Wala akong pagsaludo doon sa kuwento,” ang pahayag ni Nanay Cristy.

Baka Bet Mo: Juliana Parizcova Segovia sinubukang ibenta ang Miss Q & A crowns at trophy sa halagang P1M?

“Ako rin, Nay,” ang pagsang-ayon naman ni Romel. “Lasi kapag nasimulan na talaga ng bentahan siyempre iisipin na nila ‘Ay, isunod natin ‘yong bahay para may balita tayo’. ‘Di ba ganyan ‘yan?”

“Teka muna sports car nabenta na. Bahay ibinebenta raw. Anong susunod na ibebenta? O, ‘di ba?” ang tumatawang sey ni Nanay Cristy.

Dagdag pang chika ng award-winning radio at TV host, parang malabong mangyari ang sinasabi ng iba na nauubusan na ng kayamanan si Daniel dahil sa wala itong ginagawang proyekto.

Naniniwala siya na hindi ganoon kabilis mawawala o mauubos ang milyun-milyong kinita ni Daniel sa pag-aartista at sa mga ginawa niyang TV commercials, idagdag pa ang iba pa niyang mga karaketan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Feeling din ni Nanay Cristy, nakapag-ipon na rin nang bonggang-bongga si Daniel sa ilang taong pamamayagpag ng loveteam nila ni Kathryn sa showbiz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending