Boy Abunda sinagot ang nakakalokang tanong na 'How can you face your problem if the problem is your face?'; Radson Flores wala pa ring dyowa | Bandera

Boy Abunda sinagot ang nakakalokang tanong na ‘How can you face your problem if the problem is your face?’; Radson Flores wala pa ring dyowa

Ervin Santiago |August 06,2023
facebook
share this

Boy Abunda sinagot ang nakakalokang tanong na ‘How can you face your problem if the problem is your face?’; Radson Flores wala pa ring dyowa

Ervin Santiago - August 06, 2023 - 07:53 AM

Boy Abunda sinagot ang nakakalokang tanong na 'How can you face your problem if the problem is your face?'; Radson Flores wala pa ring dyowa

Radson Flores at Boy Abunda

KUNG ikaw ang tatanungin, paano mo nga ba sasagutin ang kontrobersyal at nakakalokang question na “How can you face your problem if the problem is your face?”

Siguradong may iba-iba tayong answer para sa katanungang ‘yan, at sure na sure kami na sa katalinuhan at katabaan ng utak ng mga Pinoy ay maraming mga pasabog na sagot ang maglalabasan.

Pero kung ang King of Talk na si Boy Abunda ang tatanungin, ito ang magiging sagot niya, “Embrace it. Love it,”

Chika ni Tito Boy, may isang tanong daw lagi sa kanya ang longtime-partner na si Bong Quintana, at ito ay, “Bakit ka sumikat nang konti? Ang laki-laki naman ng ilong mo?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Fast Talk with Boy Abunda (@fasttalkgma)


“Noong una napipikon ako dahil oo nga naman, hindi naman ako kagandahan na sabihan ako niyan noong ako’y nag-uumpisa. Tanggap ko ‘yon, kasi ang standards, iba-iba,” sey ng premyadong TV host at talent manager sa panayam ng “Kapuso Exclusives.”

Nang lumaon daw ay parang namanhid na siya sa nasabing isyu hanggang sa natutunan na niya ang tanggapin at mahalin ang kanyang sarili.

“Pero it took a while, it took a journey, it took a lot of loving from other people and it took a lot of loving from myself,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Relasyong Regine-Ogie iniintriga, may problema raw sa pagsasama: ‘Uso ang hiwalayan ngayon pero ‘wag na kayo makiuso please!’

“You have to fall in love and you have to embrace your own face because that’s yours. And that’s the most beautiful face. You know why? It’s the only one you have, so love it,” ang pagbabahagi pa ni Tito Boy.

* * *

Natanong ang “Voltes V: Legacy” star na si Radson Flores kung may dyowa ba siya ngayon o single pa rin.

Sa nakaraang episode ng “Surprise Guest with Pia Arcangel” podcast, natanong ang Kapuso matinee idol tungkol sa status ng kanyang lovelife.

“Yes, single po,” ang natatawang sagot ni Radson. Kaya ang sundot ni Pia Arcangel, “Hindi ko alam kung ‘yung yes mo ay yes single, or yes happily, or yes happily single?”

Hirit na sagot ng aktor, “Kaya nga hindi ko na po sinagot, kung happy ba ako na single ako.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Radson Flores (@radsonflores)


Patuloy ng binata, “Right now ang fino-focus ko lang po is ‘yung bonding ko po with my family, and then second ko po ‘yung career, ‘yun po talaga ako nagbibigay talaga ng effort na grabe.

“Kasi minsan lang po, minsan lang talaga ‘yung ganito na opportunity and masaya po kasi talaga eh,” aniya.

Sey naman ni Radson tungkol sa usapin ng love at pakikipagrelasyon, “Tatrabahuhin mo naman talaga, mahirap. Pero kaya. Malalang-malalang patience.”

* * *
The wait is finally over dahil milyon-milyong halaga ng papremyo ang ipamimigay ng GMA Network sa pagbabalik ng ‘Kapuso Bigay Premyo Panalo’ (BPP), na ngayon ay nasa Season 7 na!

Sa simpleng pagpapadala ng entries kalakip ang proof-of-purchase ng participating brands, may chance na manalo ng daily at weekly prizes.

Higit sa 8 milyon pisong halaga ng papremyo ang maaaring mapanalunan ng winners mula Luzon, Visayas, at Mindanao – kabilang na ang P200,000 cash at  brand new house and lot unit mula sa Camella.

Maaari nang magpadala ng entries mula Agosto 5, 2023 hanggang Oktubre 13, 2023.

Jak Roberto sugatan ang kamao sa taping; Matt Lozano, Radson Flores todo training na para sa ‘Voltes V’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Michael Pacquiao inatake rin ng depresyon: ‘Just because mayaman kami wala nang problema, money doesn’t solve all problems’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending