'Volt in' scene sa 'Voltes V: Legacy' trending, pinuri ng netizens: 'Hindi nakakahiyang ipakita sa international audience!' | Bandera

‘Volt in’ scene sa ‘Voltes V: Legacy’ trending, pinuri ng netizens: ‘Hindi nakakahiyang ipakita sa international audience!’

Ervin Santiago - May 11, 2023 - 07:35 AM

'Volt in' scene sa 'Voltes V: Legacy' trending, pinuri ng netizens: 'Hindi nakakahiyang ipakita sa international audience!'

Radson Flores, Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Matt Lozano at Raphael Landicho

TINUTUKAN ng mga Filipino mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang pagsisimula ng much-awaited “Voltes V: Legacy” last Monday Lunes, May 8.

Talaga namang worth it ang tatlong taong paghihintay sa megaserye ng GMA Network dahil sa umaapaw na positive reviews ng mga Kapuso.

Nanguna pa sa trending list ng Twitter Philippines ang #VoltesVLegacyTVPremiere na umabot sa mahigit 45,000 tweets as of 3 p.m. kamakalawa, May 9. Pasok din sa trending topics ang “Steve Armstrong,” “Jamie Robinson,” “Miguel Tanfelix,” at “Dokugaga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Puring-puri ng netizens ang visual effects ng “Voltes V: Legacy” kabilang ang pinakaunang volt in nina Steve Armstrong (Miguel Tanfelix), Jamie Robinson (Ysabel Ortega), Mark Gordon (Radson Flores), Little Jon Armstrong (Raphael Landicho), at Big Bert Armstrong (Matt Lozano).

Napansin din ng die-hard fans ang opening billboard ng programa na inspired mula sa phenomenal anime series na “Voltes V.”

Baka Bet Mo: Johnny Manahan todo puri kay Miguel Tanfelix: ‘Magiging Alden Richards din ‘yan’

Komento ng isang netizen, “Worth the wait! The live-action did not disappoint. The CGI is the best I’ve seen so far on Philippine TV. ‘Di nakakahiya ipakita sa international audience. Kapag sinabing world-class, ito na ‘yun! Pinaghandaan! Pinaghirapan! Proudly Filipino made!”

Samantala, nagkakaisa namang reaksyon ng mga manonood, tumayo raw ang balahibo nila nang mapanood ang kauna-unahang “volt in” sequence sa “Voltes V: Legacy”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa viral video ng GMA sa TikTok, kitang-kita ang world-class visual effects ng series. Dahil diyan, nakakuha agad ito ng 1.1 million views in just 12 hours. And as of writing, pumalo na ito sa 2.1 million views.

Komento ng isang Kapuso, “My childhood heart is so happy! Worth the wait! Salamat, GMA! Grabe ang galing! Pang-international na ang graphics! Noong napanood ko ang scene na ito sa sinehan, kakapanindig balahibo! Binalik talaga ako sa elementary days ko! Napakagaling ng nakaisip na gawin ang Voltes V sa Pilipinas! Congrats, GMA!”

Talaga namang iisa ang sinasabi ng taumbayan tungkol sa megaserye ng GMA Network, “Worth it ang paghihintay!”

Marami pang pasabog na dapat abangan sa “Voltes V: Legacy” na napapanood Lunes hanggang Biyernes, p.m. sa GMA Telebabad.

Miguel Tanfelix sa Pinoy version ng Voltes V: ‘Gusto naming ipa-feel sa Gen Z ‘yung tuwa, lungkot, excitement, takot at lahat ng emosyon’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Direk Mark Reyes emosyonal sa presscon ng ‘Voltes V: Legacy’, inisa-isa ang matitinding challenge sa shooting: ‘Ito na ang pruweba na ginastusan ‘to!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending