Walang isyu kay Carla Abellana kung nanay na ng 3 boys ang role niya sa 'Voltes V: Legacy': 'Nag-enjoy naman ako!' | Bandera

Walang isyu kay Carla Abellana kung nanay na ng 3 boys ang role niya sa ‘Voltes V: Legacy’: ‘Nag-enjoy naman ako!’

Ervin Santiago - May 01, 2023 - 06:10 AM

Walang isyu kay Carla Abellana kung nanay na ng 3 boys ang role niya sa 'Voltes V: Legacy': 'Nag-enjoy naman ako!'

Carla Abellana at Raphael Landicho

WALANG issue kay Carla Abellana kung mother role na ang ginagampanan niya sa pinakaaabangang live action version ng classic Japanese anime na “Voltes V: Legacy“.

Si Carla ang magbibigay-buhay sa karakter ni Mary Ann Armstrong sa upcoming Kapuso action-adventure at drama series na “Voltes V: Legacy” — ang nanay ng tatlo sa mga miyembro ng Voltes V team na sina Steve, Big Bert at Little Jon.

Anong reaksyon ng aktres nang sabihin sa kanya na siya ang napiling maging nanay sa serye nina Matt Lozano, 30, Miguel Tanfelix, 24, at Raphael Landicho, 10, gayung sa tunay na buhay ay wala pa siyang anak?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


“Nakakatuwa, lalo na kasi iba-iba sila ng personalities, yung tatlong Armstrong boys, iba-iba ng special abilities or ng talents, kanya-kanya, iba-iba po.

“Medyo extremes, may isang napakakulit, may isang napakasobrang talino, may isa namang medyo matikas or yun bang very stern, very ano siya, serious, yung ganu’n, serious si Steve Armstrong.

“So iba-iba sila and nakakatuwa kasi tama lang yung blend. Tama lang actually yung combination of the three Armstrong boys and Mary Ann Armstrong, so hindi po ako nahirapan,” paliwanag ni Carla.

Baka Bet Mo: ‘Voltes V Legacy’ ni Mark Reyes aprub na aprub sa Toei Company: Na-surprise sila sa napanood nila!

“Siguro as a real-life Mary Ann Armstrong, kahit sino mahihirapan po sa ganu’ng role. Pero ako sobrang na-enjoy ko po yun, talagang super favorite ko sila.

“And iba-iba din po kasi sila in real life, and I really enjoyed working with the three boys,” chika pa ni Carla.

Bukod kina Carla at sa tatlong gumaganap na anak niya sa serye, ang dalawa pang miyembro ng Voltes V team ay sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong at Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson.

Mapapanood rin sa “Voltes V: Legacy” sina Martin del Rosario bilang Prinsipe Zardoz, Liezel Lopez bilang Zandra, Gabby Eigenmann bilang Commander Robinson, Neil Ryan Sese bilang Dr. Hook, Epi Quizon bilang Zuhl, Albert Martinez bilang Dr. Richard Smith, Max Collins bilang Rosalia, Carlo Gonzales bilang Draco, at Dennis Trillo bilang Ned Armstrong, at marami pang iba.

Sa direksiyon ni Mark Reyes, ang “Voltes V: Legacy” ay mapapanood na sa GMA Telebabad simula sa May 8.

* * *

Tuluy-tuloy ang success ng groundbreaking series ng GMA Network na “Maria Clara at Ibarra!”

Mula nang ipalabas ito sa Netflix Philippines noong April 14, nananatili itong no. 1 series sa nasabing streaming platform!

Kaya naman dumarami pa ang mga nakakadiskubre at nahu-hook sa “Maria Clara at Ibarra.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)


Komento ng isang netizen, “It’s a good thing Netflix has this. I heard some good reviews kaya na-curious ako. I super like Klay’s acting. Very natural lalo na ‘yung mga modern language na nadala niya sa Noli era. Umaga hanggang gabi tinapos ko lahat ng episodes! Nakakaadik kasi!”

“Tinapos ko lang naman ‘yan ng 4 days, juskooo ‘yung puso ko after manood hahahaha! I’ve been binge watching this on Netflix. Whooah! This series is so good! Ganyan talaga kagaling ang GMA gumawa ng drama na based on our history,” dagdag pa ng isang viewer.

Mag-binge watch na sa Netflix Philippines at balikan ang paglalakbay ni Klay (Barbie Forteza) sa mundo nina Maria Clara (Julie Anne San Jose) at Ibarra (Dennis Trillo).

Johnny Manahan todo puri kay Miguel Tanfelix: ‘Magiging Alden Richards din ‘yan’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Direk Mark Reyes emosyonal sa presscon ng ‘Voltes V: Legacy’, inisa-isa ang matitinding challenge sa shooting: ‘Ito na ang pruweba na ginastusan ‘to!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending