Carla Abellana wasak na wasak noong 2022, pero ibinandera ang pagiging survivor | Bandera

Carla Abellana wasak na wasak noong 2022, pero ibinandera ang pagiging survivor

Ervin Santiago |January 04,2023
facebook
share this

Carla Abellana wasak na wasak noong 2022, pero ibinandera ang pagiging survivor

Ervin Santiago - January 04, 2023 - 01:17 PM

Carla Abellana wasak na wasak noong 2022, pero ibinandera ang pagiging survivor

Tom Rodriguez at Carla Abellana

KUNG may isang female celebrity na talagang matatawag na survivor, yan ay walang iba kundi ang Kapuso actress at TV host na si Carla Abellana.

Matindi ang pinagdaanan niyang mga pagsubok nitong nagdaang 2022, kabilang na ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ng kanyang ex-husband na si Tom Rodriguez.

Marami nga ang nagsasabi na kung mahina-hina lang ang loob ni Carla, malamang daw ay bumigay na ito sa extra challenge na hinarap niya last year.

Imagine, pagkatapos nilang magsama ni Tom sa loob ng mahigit pitong taon bilang magkarelasyon at magpakasal noong October, 2021, ay bigla na lang silang naghiwalay makalipas ang ilang buwan!?

Pero ayon nga kay Carla, sinusubukan na niya ngayong mabuhay uli nang normal at masaya habang unti-unting nakaka-recover mula sa mga mapapait na karanasan noong 2022.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


Sa latest Instagram post ng Kapuso star, nagpahiwatig siya na patuloy pa rin ang kanyang “healing process” at very proud niyang masasabi na napagtagumpayan niya ang mga ibinigay na pagsubok sa kanya ng tadhana.

Ang caption ni Carla sa kanyang IG photo na may petsang December 31, 2022, “This year i was forced to face the most broken and shattered version of myself.

“But also meet the survivor i had turned into, who is slowly embracing grace,” ang hugot pa ng aktres.

Maraming netizens ang nakisimpatya sa kanyang mga pinagdaanan kasabay ng pagbati sa kanya ng “happy new year.” Sinagot naman ni Carla ang ilan sa kanyang IG followers at nagpasalamat sa patuloy na pagsuporta sa kanya.

Maraming espekulasyon ang naglabasan tungkol sa tunay na dahilan ng paghihiwalay ng dating celebrity couple kabilang na ang isyu ng third party sa panig ni Tom.

Sa naging rebelasyon naman ni Carla, matindi raw ang ginawang “pambabastos, panloloko, pandudurog, paninira, panggagamit at pagtataksil” sa kanya ni Tom. At ang mas masakit pa raw ay nang madamay na pati ang kanyang pamilya.

Samantala, nasa Amerika pa rin ngayon si Tom kasama ang kanyang pamilya at wala pang kasiguruhan kung kailan siya babalik sa Pilipinas.

Heaven Peralejo hindi nagpatalo sa killer virus: I am now a COVID-19 survivor!

Bernadette Sembrano may mga paalala bilang Covid survivor

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yumaong ina ni Aicelle Santos nagparamdam sa pamamagitan ng paru-paro: I know this is you Ma…fly free now

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending