Yumaong ina ni Aicelle Santos nagparamdam sa pamamagitan ng paru-paro: I know this is you Ma…fly free now
WASAK na wasak ang puso ngayon ng Kapuso actress-singer na si Aicelle Santos dahil sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na inang si Leonila Santos.
Matapos ngang makipaglaban ng halos tatlong buwan sa kanyang karamdaman, namaalam na nga ang nanay ni Aicelle.
Ibinahagi ng Kapuso star ang malungkot na balita sa kanyang social media account noong nakaraang Huwebes, November 24.
Makikita sa ipinost niyang litrato ang isang dilaw na paru-paro na nakadapo sa kanyang kamay. Aniya sa caption, “I know this is you Ma. Fly free now. Mahal na mahal na mahal po kita (praying emoji).”
At nito ngang Linggo, November 27, makikita naman ang litrato ni Aicelle na kuha sa kanyang kasal kung saan magkayakap sila ng kanyang ina. “I love you so much, Ma (praying emoji),” ang caption ni Aicelle.
Kung matatandaa, noong August 22 ay humiling ng dasal si Aicelle sa publiko para sa inang nasa kritikal na kundisyon. Pagsapit ng September 6, nagbigay ng update ang singer tungkol sa kundisyon ng ina at muling nanawagan ng panalangin.
Kasunod nito, humingi na ng tulong pinansiyal ang kanilang pamilya sa publiko dahil sa lumulobo nilang hospital bills. Ito’y sa pamamagitan ng isang fundraising page.
View this post on Instagram
Nagkuwento naman ang kapatid ni Aicelle na si Aaron nang ma-admit sa ospital ang kanilang ina nang tamaan ng COVID-19. After three days ay iniuwi na nila ang ina ngunit isinugod uli nila ito sa ospital nang magkaubo at nahirapan nang huminga.
Pero na-cardiac arrest ang ginang habang papunta sa ospital. Sabi ni Aaron, “They had to revive her for nine minutes in the emergency room before they could feel her pulse again.
“The oxygen deprivation to her brain led to several seizures that lasted that entire first day. She remains a critical patient in the ICU; her vitals remain stable but she remains unconscious and intubated.
“Doctors are waiting for the swelling in her brain to subside before any intervention can be done, a wait that they say can last for two to three months.
“Most of her medications are given intravenously, such as anti-seizure drugs and antibiotics – these IV drugs are very costly and are given at least two to three times a day,” ani Aaron.
Bumuhos naman sa socmed ang mensahe ng pakikiramay at dasal mula sa kanyang fans at mga kaibigan at kasamahan sa showbiz tulad nina Pops Fernandez, Julie Anne Santos, Mark Bautista, Daryl Ong, Jolina Magdangal, at marami pang iba.
Aicelle Santos humingi ng tulong pinansyal para sa inang nasa ICU
Aicelle Santos humingi ng dasal para sa inang kritikal ang lagay
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.