Aicelle Santos humingi ng tulong pinansyal para sa inang nasa ICU | Bandera

Aicelle Santos humingi ng tulong pinansyal para sa inang nasa ICU

Therese Arceo |September 15,2022
facebook
share this

Aicelle Santos humingi ng tulong pinansyal para sa inang nasa ICU

Therese Arceo - September 15, 2022 - 05:53 PM

Aicelle Santos humingi ng tulong pinansyal para sa inang nasa ICU
NANAWAGAN ang Kapuso singer na si Aicelle Santos ng tulong sa madlang pipol para sa kanyang ina na si Leonila Santos na kasalukuyan pa ring nasa ICU.

Tatlong linggo na rin ang nakalilipas nang dalhin sa ospital ang ina ng Kapuso singer matapos magkaroon ng cardiac arrest.

Humingi na nga ng tulong pinansyal ang pamilya ni Aicelle sa pamamagitan ng GoFundMe na ibinahagi niya sa kanyang social media accounts.

“We humbly ask for your support in our fight to keep our mom alive. Sharing this link/post and donating any amount through our #GoFundMe account will be a great help to us.

“Mommy remains on a mechanical ventilator in the ICU and has not regained consciousness since her cardiac arrest three weeks ago,” saad ni Aicelle.

Base sa kwento ng singer sa kanyang GoFundMe account, ayaw raw talaga ng atensyon ng kanilang Mommy Onnie at kapag nalaman nito ang ginawa nilang fundraising para sa kanya ay siguradong pagagalitan sila nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aicelle Santos 🇵🇭 (@aicellesantos)

Ngunit kahit na ganoon ay gagawin pa rin nila ito para maisalba ang ina na alam nilang lumalaban rin para sa kanila.

Ani Aicelle, “She has been showing signs of progress – and we have been clinging to these as sources of hope. But every day that she remains in the ICU means a sharp spike in her hospital bill, and it is expected to reach an amount far more than my family’s capacity to pay.”

Matatandaang noong August 23 nang unang ibahagi ng mang-aawit ang kalagayan ng kanyang Mommy Onnie.

At noong nakaraang linggo ay humiling si Aicelle ng panalangin sa netizens para sa inang hindi pa rin nagigising.

Sa kabila ng mga nangyayari ay nanatili pa rin ang paniniwala ng Kapuso singer na gagaling ang kanyang ina at muli rin itong magigising.

“Buo ang pananalig namin sa Panginoon na bukas gigising ka na parang walang nangyari, na wala ka nang sakit. And we declare life upon you and complete healing in the mighty name of Jesus! We miss you ma! Gising ka na po!” sabi ni Aicelle.

Related Chika:
Aicelle Santos humingi ng dasal para sa inang kritikal ang lagay

Andrew Schimmer humihingi ng tulong para sa asawang nasa ICU, hospital bill nasa P3-M na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aicelle: Manicure, pedicure, derma…I don’t know them anymore, kasi tutok ako kay baby!

Anak ni Andrew Schimmer humingi ng tulong para sa inang nasa ICU

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending