Ate Guy may pasabog sa ‘Isang Himala’; Aicelle Santos pak na pak bilang Elsa
PALAKPAKAN ang members ng entertainment press at iba pang bisita sa grand mediacon ng “Isang Himala” nang magpasampol ang cast ng isang eksena sa pelikula.
Nagbigay ng patikim ang mga artista ng isa sa mga official entry sa Metro Manila Film Festival 2024 sa pangunguna ng lead star nitong si Kapuso star Aicelle Santos.
Si Aicelle ang masuwerteng napili ng Kapitol Films, UXS (Unitel Straight Shooters Media Inc.), at CreaZion Studios na gumanap sa iconic role na Elsa na unang pinasikat ni National Artist Nora Aunor sa original movie version nito.
Sa mga hindi pa aware, ang award-winning film na “Himala” ni Ate Guy na idinirek ni Ishmael Bernal ay isa rin sa mga naging entry sa 8th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 1982. At ngayong 2024, ang musical version naman nito ang mapapanood ng sambayang Pilipino.
Sa grand mediacon ng pelikula na ginanap last December 4, sinabi ni Aicelle na maituturing din niyang isang himala ang pagkakapili sa kanya na maging bida sa pinakabagong version ng classic film ng nag-iisang Superstar.
Baka Bet Mo: ‘Golden voice’ ni Ate Guy sinadyang wasakin nang operahan sa Japan
View this post on Instagram
Paglalarawan ni Aicelle sa kanilang MMFF 2024 entry, “I think we have something new to offer being the only musical among the ten entries.
“May cultural and historical significance po ang Isang Himala dahil base ito sa classic film ng ating mga National Artist.
“At ano ang chance nito sa box-office? Nangangarap kami na sana talagang panoorin ng marami. Actually, tangkilikin nating lahat, pero yun ang baon namin. I think we stand out dahil kami yung katangi-tanging musical.
“We have Direk Pepe Diokno na namuno sa napakagandang pelikula namin, siyempre si Sir Ricky Lee, the music of Sir Vince de Jesus.
“Isasama ko na yung sarili ko, kasama ko pa ang pinakamagagaling na aktor sa teatro dito sa ating bansa. Sana po, makita natin lahat yon,” pahayag ni Aicelle na babangga sa naglalakihan ding entry.
Natanong din siya kung gaano katindi ang pressure na nararamdaman niya para sa “Isang Himala” lalo pa’t ito ang kauna-unahan niyang pagbibida sa isang pelikula at lalaban pa sa taunang filmfest.
“Mas gusto kong gamitin ang salitang excited. Mas excited po ako kasi ang hirap isipin yung pressure. Nakakatakot yung word na pressure.
“I just know the feel that if we all enjoyed the process, we all enjoyed the filming of Isang Himala, kung anuman ang outcome nito, alam ko na we all did our best at alam ko na meron kaming mensaheng dala-dala para sa ating manonood.
“And du’n namin gustong hugutin yung aming joy and excitement more than the pressure,” sagot ng singer-actress.
Samantala, kumpirmadong may special participation si Ate Guy sa “Isang Himala”. Mismong ang National Artist for Film and Broadcast Arts ding si Ricky Lee ang nagsabi nito.
Ngunit hindi muna niya ni-reveal kung ano ang magiging role ng Superstar sa pelikula. Tanging boses lamang niya ang narinig sa official trailer ng “Isang Himala.”
In fairness, ang tatlong personalidad na bumuo ng “Himala” noon na sina Ate Guy, Ricky Lee at Direk Ishmael ay hinirang lahat na National Artist for Film and Broadcast Arts.
Showing na sa December 25 ang “Isang Himala” sa lahat ng sinehan nationwide bilang bahagi ng 50th edition ng MMFF. Kasama rin dito sina Bituin Escalante, Floyd Tena, David Ezra, Neomi Gonzales,
Kakki Teodoro, Vic Robinson, Joann Co at marami pang theater actors.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.