'Golden voice' ni Nora sinadyang wasakin nang operahan sa Japan

‘Golden voice’ ni Ate Guy sinadyang wasakin nang operahan sa Japan

Ervin Santiago - August 29, 2024 - 12:25 AM

'Golden voice' ni Ate Guy sinadyang wasakin nang operahan sa Japan

Nora Aunor at Maricel Soriano

SINADYA raw sirain ang golden voice ng nag-iisang Superstar at National Artist na si Nora Aunor para hindi na siya makakanta habangbuhay.

Hinayang na hinayang pa rin si Ate Guy sa pagkasira ng kanyang boses na siyang dahilan kung bakit hindi na siya pwedeng kumanta kahit kailan.

Rebelasyon ng movie at TV icon, ito’y dahil sa isinagawang cosmetic surgery sa kanya sa Japan 14 years na ngayon ang nakararaan.

Baka Bet Mo: Nora Aunor nagpunta sa tribute para sa mga National Artists kahit may sakit

Feeling ni Ate Guy, sinadya raw ng mga taong nagsagawa ng surgery sa kanya sa Japan na wasakin ang kanyang singing voice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricel Soriano (@officialmaricelsoriano)


Sa interview ni Maricel Soriano sa Superstar na napapanood sa YouTube channel nito, ibinahagi ng award-winning actress ang nangyari sa kanya noong 2010.

“Ang pinaka-love ko talaga ang pag-awit. Kung hindi dahil sa pagkanta ay hindi ako makakatulong sa pamilya ko at hindi rin ako makikilala ng mga tao. Kaya nu’ng masira yung boses ko…” ang napapailing na pahayag ni Ate Guy.

“Sinira nila, e. Parang sinadya. Kaya hanggang ngayon, hindi ako nakakakanta,” ang sabi ni Ate Guy pero wala siyang binanggit na mga pangalan.

“Nasa States ako nu’n, e. May pumunta sa akin at sabi dadalhin ako sa Japan kasi kukunin nila ako mag-eendorso ng isang (facial clinic).

Baka Bet Mo: Ate Guy ilang beses nakaligtas kay Kamatayan, maswerte raw dahil malakas kay Lord: ‘May himalaaaa!’

“Pagdating ko doon, pinahiga ako, pinatulog, paggising ko, wala na akong boses. Yun ang totoong nangyari doon. Hanggang ngayon, wala na akong boses,” pagbabahagi pa ni Nora.

Tinanong ni Maricel kung ano ang aksyon na ginawa niya para mapanagot ang tinutukoy niyang facial clinic.

“Dinemanda ko pero ang boses ko hindi na (bumalik),” sagot ni Ate Guy tungkol sa kanyang golden voice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricel Soriano (@officialmaricelsoriano)


Sa tanong kung may posibilidad pa bang magamot o ma-repair ang damage sa kanyang lalamunan, “Hindi na kasi nu’ng umuwi ako ng Pilipinas tapos bumalik ako, hindi na rin nila naoperahan. Sayang nga, e.

“Ngayon hindi na (pwede). Ang sabi kasi ng doctor noon, yung vocal cord hindi naman tinamaan pero malalim yung tinamaan sa akin,” aniya pa.

Miss na miss na nga raw ni Ate Guy ang kumanta, “Sayang nga, e, kasi kapag may kumakanta na nakikita ko, parang…”

Sumingit si Maricel at nagsabing, “Parang gusto mo sumali, di ba?” Na sinagot ni Ate Guy ng, “Gusto kong kumanta.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang noong 2010, sa isang panayam ay sinabi ni Nora na nagsampa ng reklamo ang kanyang abogado (malpractice suit) laban sa naturang clinic sa Japan pero walang nabanggit na mga detalye.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending