Long Mejia umamin, crush noon si Maricel Soriano

Long Mejia umamin, crush noon si Maricel Soriano

Therese Arceo - November 20, 2024 - 04:52 PM

Long Mejia umamin, crush noon si Maricel Soriano

DIRETSAHANG inamin ng komedyanteng si Long Mejia ang itinatagong lihim sa kasama sa industriya na si Maricel Soriano.

Nag-guest kasi ang komedyante sa latest episode ng vlog ng Diamond Star kung saan nailahad niya ang kanyang paghanga rito matapos ang kanilang kumustahan.

“Alam mo ba na crush kita? Crush kita,” saad ni Long.

Dagdag pa niya, “Dadalawa lang ang crush ko sa showbiz noong araw. Pops Fernandez at Maricel Soriano.”

Baka Bet Mo: Long Mejia nag-sorry kay Ellen Adarna matapos tawagin itong ‘unprofessional’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricel Soriano (@officialmaricelsoriano)

Chika ni Long, naunahan lang siga ng kapwa artista noon na pormahan si Maria.

“Si William Martinez naunahan lang ako niyan, e. Dinaan lang sa sayaw nito si William, e,” sey pa niya.

Ani Long, noong mga panahong ginagawa raw ang “The Maricel Drama Special”, ksa siya sa mga cable car.

“No’ng ginagawa mo ‘yong ‘The Maricel Drama Special,’ ako ay isang cable man mo roon. Ako ‘yong nasa likod ng camera. Kasi inaarkila n’yo ‘yong camera no’ng pinagtatrabahuhan n’yo sa opisina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko malimutan—siguro tatlong metro na, nakauwi ka na—’yong pabango mo naiiwan pa sa akin,” kuwento pa ni Long.

Nabigla naman si Maricel sa pasabog na inamin sa kanya ng komedyante.

Wala kasi siyang ideya o kaalam-alam patungkol sa paghanga nito sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending