Bianca Umali tuloy ang adbokasiya sa breast cancer awareness; natulala nang makaharap si Nora Aunor | Bandera

Bianca Umali tuloy ang adbokasiya sa breast cancer awareness; natulala nang makaharap si Nora Aunor

Ervin Santiago - October 05, 2023 - 07:12 AM

Bianca Umali tuloy ang adbokasiya sa breast cancer awareness; natulala nang makaharap si Nora Aunor

Bianca Umali at Nora Aunor

TULOY-TULOY pa rin ang pagsusulong ng Kapuso actress na si Bianca Umali sa kanyang adbokasiya hinggil sa breast cancer awareness.

Talagang naglalaan ng oras si Bianca  para matulungan at masuportahan ang mga grupong involved sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa sakit na cancer.

“I am so happy and so passionate to be part of this advocacy which is breast cancer awareness because I lost my mom to breast cancer when I was five,” ang pahayag ni Bianca sa panayam ng  “24 Oras” nitong Martes, October 3.

Taong 2017 nang magsimulang maging aktibo ang girlfriend ni Ruru Madrid sa naturang advocacy kung saan katuwang din niya ang mga kapatid na babae sa pagpapakalat ng awareness tungkol sa cancer.

Samantala, kinumpirma na ni Bianca ang tungkol sa bago niyang proyekto sa GMA 7 na siguradong ikakagugulat daw ng kanyang mga fans at social media followers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“Actually, kating-kati na ako dito na maipalabas. Kung puwede lang, kung puwede lang na magkaroon na ng official announcement,” pahayag ni Bianca.

Baka Bet Mo: Bianca Umali nagpabakuna para sa kapakanan ng pamilya

Magsisimula na raw silang mag-taping this month at patuloy pa rin ang kanyang “never-ending training” para sa bago niyang project.

“Sobrang demanding niya, I think on a level that I am treating it as if I am training for a Marvel movie. Ganu’n siguro,” kuwento ng dalaga.

Sa nasabi ring panayam ay naibahagi rin ni Bianca ang tungkol sa bago niyang horror movie na “Mananambal” kasama ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Paglalarawan niya sa ating National Artist, “No words, every time na I’m in a scene or on the set with her, I just watch her.

“Wala ka pong ibang gagawin e, wala kang ibang sasabihin kundi panoorin lang siya because national artist natin ‘yun, she’s in front of me, kaeksena ko siya, I mean who doesn’t dream of working with her,” sabi pa ni Bianca.

Pia Wurtzbach na-diagnose rin ng depresyon at anxiety: There’s no magic cure, you just learn how to get better…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Francine lalaban kontra body shaming: Gusto kong magbigay ng awareness lalo na sa haters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending