Ryza Cenon hinikayat ang mga kababaihan na magpa-mammogram para malaman kung may breast cancer
ANG aktres na si Chynna Ortaleza ang nang-engganyo kay Ryza Cenon na magpa-mammogram para malaman kung may early stage siya ng breast cancer.
Nitong Martes ay ipinost ni Ryza sa kanyang Instagram account na nagpa-check up na rin siya na may kasamang mga larawan ng ginawa sa kanya.
Caption ng aktres, “Hi everyone! So I just had my Digital Mammography, Breast Ultrasound and consultation done sa Asian Breast Center kasi alam niyo naman, hindi na tayo bata.
“Kaya I am imploring all of my fellow women, especially if you’re 35 or older at lalo na kung may history kayo ng cancer sa family niyo, to please make these tests a part of your annual medical routine.
“Wag na maghintay na may symptoms na makita or maramdam before mag pa check up.
“I highly recommend that you get checked sa @asianbreastcenter with Dr. Norman and his accommodating and caring staff.
“Thank you Febe @chynsortaleza for encouraging me na ipa-check ko na rin and Ms. @jenizamann14 sa pag-aasikaso. #breastcancerawareness,” pahayag ng aktres.
Dagdag pa niya sa caption, “P.S.
Ok naman naging results ko. And hindi po masakit saka if masakit man po aalalayaan kayo ng nurse, tatanungin naman po kayo if nasasaktan po kayo or not. Sa experience ko po hindi naman po.”
Kaagad namang nagkomento si Chynna, “I am proud of you Febe! And thank you din sa pag share sa maraming tao ng awareness. So happy that you are all in the clear!”
Maganda ang layunin nina Chynna at Ryza para sa mga kababaihan dahil may kasabihan ngang, “prevention is better than cure.” At sa katunayan ay marami ang nag-share sa post na ito ni Ryza.
Pero maraming netizens ang nagkomento sa ipinost ni Ryza sa isang online website na hindi nila afford ang gastusin sa check-up lalo na kung may involved nany pagpapa-laboratory.
Sabi ni @Heraldo Ghe, “Budget vs want kasi sa reality. Kahit gustuhin man natin magpacheck up arW araw. Wala naman sapat na pera. Uunahin padin natin ang needs.ang check up ngayon. 700plus na, iba pa ang presyo kapag may ginawa minsan inaabot ng 1500 to 2k. Tapos may follow up check up kapa. Na same price padin ang babayaran.”
Sabi ni @Myr Na, “Mayaman kc kayo…panu nmn mahhirap, mas uunahin nlang Ang pagkain ibibili kysa sa check-up na Mahal pa. Kya nga lagi mag pray ky God na di bali ng mahirap wag Lang magkasakit lalo na sa mga bata.”
View this post on Instagram
Ganito rin ang sabi ni @Nelynnej Orerrhe na uunahin muna ang pagkain kaysa check-up, “Ang pang chek-up ibibili nalang ng pagkain sa pamilya uunahin ang gutom talaga keysa pag patingin sa doctor ..mag kaiba talaga ang mundo ng maherap at mayaman thats the reality of life.”
Say ni @Lee Marg’z Galvez, “Ang mahal naman kasi magpa checkup lalo na sa private 800 na checkup lang then magpa lab pa tapos balik ulit para ipabasa another bayad ulit pagkatapos mga resita na haist.Ma stress kapa kapag malamang may sakit kana kaya lalong magkasakit.”
Agree naman si @Bonavente Dtsk sa suhestiyon ni Ryza, “lahat nmn aware kya lng yung budget. pangpa check- up kc yung iba mag patest mahal kya sana dito sa Pilipinas magkaroon na affordable diagnostic clinic sa mga tao at sana yn din matugunan ng government.”
Ang hinaing naman ni @Tina Quintino Gumangan, “Sa mga may pera pwedeng magpa check-up pero sa katulad namin na sakto or kulang pa ang sahod para sa pang gastos hindi pwede.”
Ganito rin ang sabi ni @Marivic Pacifico, “Para Lang Yan sa mga taong mapera..kaming walang pang budget titiisin nalang ang sakit (emojis crying face).”
Nagtitiis na lang daw si @Mercedes Cena Umaga, “Ako nga may masakit na narardaman pero kahit Anong balak ko magpa check-up pero mas inuuna ko padin ang mga pangunahing pangangailangan kesa sa sarili ko. Kya mahirap pag mahirap ka Hindi Basta ang salitang pa check up sa mahal Ng bayad.”
Related Chika:
Nanay tips ni Ryza para sa mga nagta-tantrums na baby: Hayaan n’yo muna, wag natin silang pagalitan, pagsabihan o sigawan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.