Ruru Madrid dedma sa 7-year itch, matibay ang love kay Bianca

Ruru Madrid dedma sa 7-year itch, matibay pagmamahal kay Bianca

Therese Arceo - January 15, 2025 - 05:44 PM

Ruru Madrid dedma sa 7-year itch, matibay pagmamahal kay Bianca

Ruru Madrid dedma sa 7-year itch, matibay pagmamahal kay Bianca

WALANG hindi kakayanin ang Kapuso actor na si Ruru Madrid para sa relasyon nila ng Kapuso actress na si Bianca Umali.

Matibay at buo ang kanyang paniniwala ba kahit anong problema ay kaya nilang labanan at walang makakatibag sa kanilang relasyon ng dalaga.

Sa naging panayam ni Ruru ay inamin nito na hindi siya naniniwala sa teoryang “7-year itch” na sikat na sikat na termino ngayon.

Para sa mga hindi aware, ang ibig sabihin ng “7 year-itch” ay may tsansa na dumaan sa pagsubok o pagkasawa ang dalawang nagmamahalan sa kanilang relasyon kung saan nawawalan na sila ng gana, saya o romance sa isa’t isa na nagreresulta ng kanilang paghihiwalay.

Baka Bet Mo: Ruru Madrid: Hindi mo kailangan ng super powers para maging bayani

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Personally, hindi ako naniniwala, kasi nakasulat na ‘yan eh,” saad ni Ruru.

Dagdag pa niya, “Kung para kayo sa isa’t-isa, kayo talaga.”

Ani Ruru kahit pa anong mangyari ay kung nandoon ang pagmamahal sa isang tao sy malalagpasan ang lahat ng darating.

“Kahit sino pa ang pumigil, kahit ano pang klaseng tukso, pagsubok, basta nagtutulungan kaming dalawa, lahat kakayanin,” chika pa ng aktor.

Ngayong 2025 magaganap ang ikapitong anibersaryo ng kanilang relasyon.

Samantala kaya muling umingay ang terminong 7-year itch ay noong ianunsyo ni Barbie Imperial na hiwalay na sila ni Jak Roberto matapos nag pitong taong relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending