Kathryn Bernardo naging makeup artist ng pamangkin

Kathryn Bernardo naging makeup artist, kinaaliwan ng milyun-milyong fans

Pauline del Rosario |December 27,2023
facebook
share this

Kathryn Bernardo naging makeup artist, kinaaliwan ng milyun-milyong fans

Pauline del Rosario - December 27, 2023 - 10:53 AM

Kathryn Bernardo naging makeup artist, kinaaliwan ng milyun-milyong fans

PHOTO: Instagram/@bernardokath

ALIW na aliw ang madlang pipol sa pagiging makeup artist for a day ng award-winning actress na si Kathryn Bernardo para sa kanyang pamangkin.

Biruin niyo, isang araw pa lang nang ibinandera ito ni Kathryn ay umabot na sa mahigit isang milyon ang mga nag-like ng kanyang Instagram post.

Makikita ang cute na cute na mga litrato at videos ng chikiting na enjoy na enjoy habang siya’y inaayusan ng kanyang tita.

Nag-request kasi umano ang bulilit na gusto niya rin ng makeup kaya naging makeup artist tuloy ang aktres.

Nilagay pa nga ni Kathryn sa caption ang eksaktong sinabi ng kanyang pamangkin sa kanya: “I want make up too, tita Chat.”

Baka Bet Mo: Solenn Heussaff binalikan kung paano na-discover sa pag-aartista: The Gutierrez family is the reason…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bukod sa fans, cute na cute rin ang ilang kapwa-celebrities na napa-comment sa IG post ni Kathryn.

 “Cuteeee [happy face with heart eyes emojis],” sey ng actress-comedienne na si Lovely Abella.

Lahad naman ng aktres na si Julia Montes, “Ang haba ng lashessssss [happy face with heart eyes emojis].”

Samantala, makikita naman ang mga artistang nag-like ng nasabing post kagaya nila Daniel Padilla, Sarah Lahbati, at Arci Munoz.

Kamakailan lang matapos ang confirmed breakup with Daniel, ibinandera ni Kathryn ang ilan sa mga nagpapasaya sa kanya recently.

Ilan lamang sa mga ipinakita niya sa social media post ay ang nature, dagat, rainbow, pati na rin ang ilan niyang non-showbiz friends.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magugunita na ipinost ng aktres ang kanyang life update, ilang oras matapos burahin ng kanyang dating partner ang breakup message nito para sa kanya.

Matatandaan noong November 30 nang kumpirmahin ng dalawa na naghiwalay na sila matapos ang 11 years nilang magkarelasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending