Kathryn 2 kurso ang pinagpipilian sa college: Unang dream ko talaga maging makeup artist | Bandera

Kathryn 2 kurso ang pinagpipilian sa college: Unang dream ko talaga maging makeup artist

Ervin Santiago - June 29, 2021 - 03:21 PM

KAHIT na super successful na siya sa kanyang buhay at showbiz career, pangarap pa rin ng Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo ang makapagtapos ng pag-aaral.

May dalawang kursong pinagpipilian ang Kapamilya actress sakaling ipagpatuloy nga niya ang pag-aaral sa kolehiyo. 

Sa latest vlog ni Kathryn sa YouTube, kung saan nakasama niya ang kaibigan at kapwa Kapamilya star na si Sofia Andres, nag-share ang dalaga tungkol sa iba pa niyang plano sa buhay maliban sa pag-aartista.  

Dito naikuwento ng girlfriend ni Daniel Padilla na bata pa lang siya ay talagang nais na raw niyang maging makeup artist. 

Nabanggit pa niya ang asawa ni Dominic Ochoa na si Denise Go Ochoa na isa raw sa mga idolo niya pagdating sa pagme-make up.

“First dream ko I think is to be a makeup artist. Idol ko si Ate Den (Ochoa) talaga. Kasi she did my makeup when I was six. And sobrang ganda ni Ate Dens,” pahayag ni Kathryn.

“Si Den, nakita niya ako and alam niya na siya ‘yung idol ko. Lagi ko talagang sinasabi sa kanya kapag nakikita ko siya, ‘Ate Den, gusto ko rin maging makeup artist’. 

“Up until now, everytime I see her, parang ‘What if hindi naman ako ‘yung on-cam? Parang behind the cam,’” sabi pa ng award-winning young actress.

Sey ni Kathryn, kapag nabigyan daw siya ng chance na makapag-college, type raw niyang kumuha ng kurso na may kinalaman din sa entertainment business pero sa likod naman daw ng mga camera. 

“Siguro kung magka-college ako, I would take up parang Marketing or Communication Arts. Parang ‘yung mga behind the cam naman. Hindi ‘yung ako ‘yung kinukunan. Ako ‘yung production behind it. So, that’s something that I wanna do,” pahayag ng dalaga. 

Ngunit aniya, bukas pa rin siya sa iba pang posibilidad at opportunities na maaaring dumating sa kanyang buhay at career in the future.

“Parang I’m open pa (sa ibang klase ng trabaho). Kasi ngayon, parang hindi ko pa alam ang gusto kong gawin. But I’m very open kung ano ang gusto kong mangyari sa future. So, I just take it day by day,” chika ni Kath.

Nagbigay din siya ng advice sa lahat ng mga kababayan natin na nagnanais pa ring makapagtapos ng pag-aaral ngunit nangangamba o natatakot na bumalik sa eskwelahan dahil sa kanilang edad.

Sey ni Kathryn, hindi dapat mawalan ng pag-asa ang kahit na sino na gustong maka-graduate at makakuha ng college diploma.

“Parang ‘yung iba napu-frustrate sila na they’re 25, but still hindi mo alam ang gusto mong gawin. That’s normal. Even kami, hindi din namin alam ang gusto naming gawin aside from being an actress,” sambit ni Kathryn. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mostly ang mga artista meron silang other dreams. So, I think hindi naman problem ‘yung age or anything. We can always go back [to school]. That’s the goal. Let’s do it,” ang napakapositibo pang pananaw ni Kathryn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending