Daniel ka-partnerni Kathryn sa kasal ni Robi pero hindi natuloy

Daniel ka-partner sana ni Kathryn sa kasal ni Robi pero hindi natuloy

Reggee Bonoan |January 16,2024
facebook
share this

Daniel ka-partner sana ni Kathryn sa kasal ni Robi pero hindi natuloy

Reggee Bonoan - January 16, 2024 - 08:58 AM

Daniel ka-partner sana ni Kathryn sa kasal ni Robi pero hindi natuloy

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo (Photo from KathNiel Instagram fan page)

GUSTO naming isipin na may magandang dahilan kaya panay ang buntot at bulong ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda.

Paniwala namin, nagpaliwanag ito at humingi ng dispensa kung bakit hindi siya ang kasamang rumampa ng ex-girlfriend bilang secondary sponsors sa wedding ni Robi.

Base sa kuwento ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila nina Mama Loi kasama si Tita Jegs na in-upload sa YouTube channel kahapon ay sina Daniel at Kathryn pala dapat ang magka-partner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Alam mo originally, sina Kathryn at Daniel ay pumayag na silang dalawa ay rarampa mag-aabay. E, si Daniel hindi pa dumarating nandoon na si Kathryn.

“Ang nakalagay sa invitation 3 p.m. at naghintay sila ng konti pero kailangan 3:15 mag-uumpisa na ‘yung martsa kaya naghagilap ng kaibigan ‘yung coordinator at ipinares ito kay Kathryn.

“Somehow ang tsika ay ayaw daw ni Kathryn makasama si Daniel, pero ang totoo late raw si Daniel kaya naghagilap ng ka-partner para kay Kathryn, na tuwang-tuwa (yung napiling partner), e, kasi Kathryn ‘yun ‘no, kasi mukha siyang si Daniel Padilla.

Baka Bet Mo: Daniel, Kathryn handang-handa nang sumabak sa bagong challenge ngayong 2023, may pa-surprise kaya sa V-Day?

“Tapos saka dumating si Daniel nu’ng nakamartsa na si Kathryn at pinarampa na lang si Daniel,” kuwento ni Ogie.

Balik-tanong ni Mama Loi, “E, bakit ganu’n ang suot niya (Daniel)?”

“Yun nga wala na lang magawa ‘yung iba ro’n siguro sabi nila kahit na anong suot nito basta siya si Daniel Padilla, ganu’n!  E, ikaw Loi, wedding coordinator ka, anong masasabi mo ro’n (sa suot at late si DJ),” tanong ni Ogie sa co-host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Siyempre ‘Nay meron ‘yang dress code na nakalagay sa invitation, so, kailangan sumunod tayo (at) irespeto natin ‘yung dress code,” paliwanag ni Mama Loi.

Hirit ni Tita Jegs, “Binastos ni Daniel ‘yung kasal?”

“Hindi, wala naman akong sinabing ganu’n! Ang ibig kong sabihin etiquette ‘yun, di ba ‘Nay (Ogie)? Kapag sa invitation nakalagay na ‘Men in Barong’ ‘Ladies in Gown’ susunod tayo kung ano ‘yung nakasulat,” diing sabi ni Mama Loi.

Baka Bet Mo: Daniel desperado na, nagpatulong sa mga kaibigan para balikan ni Kathryn?

Pang-aasar na sabi ulit ni Tita Jegs, “Matigas ang ulo ni Daniel kasi hindi sumunod?”

“Ay hindi naman, hindi ko lang natitigan ‘yung (suot ni Daniel), baka naman barong, short sleeves lang pero teka kung abay siya di ba, dapat long sleeves ang suot niya? Sana nga Barong kasi lahat naka-Barong?” pagtataka ring sabi ni Mama Loi.

“E, hayaan mo na tapos na ang kasal baka hindi naihabol ‘yung pinatahi? Saka okay na ‘yun. Maloka tayo kung makita natin si Daniel rumarampa ro’n naka-gown, sobrang binastos na niya talaga ‘yung event,” paliwanag ni Ogie.

Dagdag pa, “Anyway, lahat ng ikinikilos ni Daniel ay lahat public for scrutiny ika nga, subject to public trial. Siyempre lahat may opinyon. Sensitive nga lahat sa isyu (hiwalayan) affected sila (netizens) kaya kahit na sinong madikit diyan ili-link. Kaya ang presence ng mga bashers nag-uumapaw.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero mukhang hindi nga yata tinanggap ni Kathryn ang paliwanag at dispensa ni Daniel kung totoo ang hinala namin dahil ilang araw ang lumipas ay biglang in-unfollow ng aktres ang aktor sa Instagram.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending