Robi nagdiwang ng kaarawan sa SG kasama si Maiqui Pineda

Robi Domingo nagdiwang ng kaarawan sa SG kasama si Maiqui Pineda, natupad ang birthday wish: ‘She’s improving a lot!’

Pauline del Rosario |September 29,2023
facebook
share this

Robi Domingo nagdiwang ng kaarawan sa SG kasama si Maiqui Pineda, natupad ang birthday wish: ‘She’s improving a lot!’

Pauline del Rosario - September 29, 2023 - 09:22 AM

Robi Domingo nagdiwang ng kaarawan sa SG kasama si Maiqui Pineda, natupad ang birthday wish: ‘She's improving a lot!’

PHOTO: Instagram/@iamrobidomingo

KAKAIBA ang naging birthday celebration ng TV host na si Robi Domingo ngayong taon.

Imbes kasi na mag-party o magkaroon ng simpleng handaan, inuna niyang samahan sa Singapore ang kanyang soon-to-be-wife na si Maiqui Pineda upang magpatingin sa doktor.

Magugunitang na-diagnose si Maiqui ng isang rare autoimmune disease na tinatawag na “dermatomyositis” na nagdudulot ng skin rashes, panghihina ng kalamnan at pamamaga.

Anyway, ibinandera nga ni Robi sa isang Instagram post ang ilang pictures kung paano niya ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan kasama ang fiancee.

“This is how I’m celebrating my birthday: in the airport going home with Maiqs after her recent medical visit in SG [birthday cake emoji],” wika ni Robi sa post.

Baka Bet Mo: Robi, Maiqui naging magdyowa dahil kay Piolo: We owe him everything!

Gayunpaman, natupad naman daw ang birthday wish niya na magtuloy-tuloy ang paggaling ng kanyang fiancee.

“Yes sure it’s different from the other bdays I’ve celebrated but this trip has given me a new way of appreciating life,” sey niya.

Caption pa niya, “Got my birthday wish as the doctor told us she’s improving a lot! Hopefully, tuloy tuloy na. Thank you for all the prayers.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo)

Nag-post din mismo si Maiqui sa kanyang Instagram account ng kanyang pagbati sa soon-to-be-husband, pati na rin ang kanyang pasasalamat na hindi siya pinapabayaan ni Robi.

“I know how much your birthday means to you and how this is such a big work week too but you let go of all that to be with me in Singapore [holding back tears emoji],” caption niya sa IG.

Patuloy niya, “Can’t thank you enough for all that you’ve done and continue to do for me. I’m so grateful to have found a partner in life with you.”

Kwento pa ni Maiqui, “Glad we got to celebrate in your favourite restaurant and coincidentally in Singapore again just like last year.”

“And we’re also celebrating the good news that my health is improving! [emoji],” masaya niyang balita.

Aniya pa, “You are the most amazing person I know and you deserve all the love and blessings you’ve been receiving. Ilysm @iamrobidomingo. Happy birthday!!! [red heart emoji]”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maiqui (@maiquip_)

Kamakailan lang ay tila napapadalas nga ang pagpunta ng couple sa ospital dahil sa kinakaharap na sakit ni Maiqui.

Base sa huling update ni Robi, nagpatingin sa mata ang bride-to-be dahil tila may epekto ang mga iniinom na gamot sa paningin niya.

Nauna nang kinumpirma ng TV host na matutuloy pa rin ang kasal nila ng fiancee sa kabila ng pakikipaglaban nito sa sakit.

Ikinuwento pa nga niya sa isang interview na kinausap niyang mabuti si Maiqui kung gusto nitong ipagpaliban muna ang wedding nila, ngunit hindi raw ito pumayag.

Nabanggit din ni Robi na habang naka-focus ang kanyang soon-to-be wife sa pagpapagaling ay siya naman daw ang abala sa paghahanda ng kanilang kasal.

“Right now since she’s focus sa health niya, ako ‘yung groomzilla ngayon,” sambit niya.

Kwento pa niya, “Ako ‘yung nagha-handle ng lahat ng mga bagay. Kaya medyo nakaka-pressure, nakaka-stress.”

“But it’s the details that count eh na, ‘okay kailangan ako na bahala, relax ka na diyan’,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Kasal nina Robi Domingo, Maiqui Pineda itutuloy: ‘Iniisip ko ‘yung health niya, pero…’

Robi Domingo ready na sa buhay-asawa, gagawing ninang si Regine Velasquez sa kasal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending