Robi super excited na sa kasal nila ni Maiqui: 'Nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us' | Bandera

Robi super excited na sa kasal nila ni Maiqui: ‘Nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us’

Ervin Santiago |March 12,2023
facebook
share this

Robi super excited na sa kasal nila ni Maiqui: ‘Nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us’

Ervin Santiago - March 12, 2023 - 07:23 AM

Robi super excited na sa kasal nila ni Maiqui: 'Nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us'

Robi Domingo at Maiqui Pineda

LOOKING forward na ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo sa kasal nila ng kanyang fiancée na si Maiqui Pineda at sa next level ng kanilang relasyon.

Unti-unti nang nakukumpleto ng engaged couple ang mga detalye para sa kanilang dream wedding, habang papalapit na nga ang pinakaaabangang major event sa kanilang buhay.

“Together nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us,” chika ni Robi sa panayam ng ABS-CBN.

Pagbabahagi pa ng binata, magiging isang intimate affair ang wedding nila ni Maiqui na dadaluhan ng kani-kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan in and out of showbiz.

“It will be a private event. But it’s going to be something meaningful close to my heart,” pahayag ni Robi.

Matatandaang nag-propose ang TV host kay Maiqui noong November, 2022 makalipas ang apat na taong relasyon. Nagganap ang engagement ng dalawa sa Japan kung saan nakasama rin nila ang ilang mga kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo)


Sa isang panayam, ibinahagi ni Robi ang mga dahilan kung bakit niya nasabing si Maiqui na ang kanyang “the one.”

“She gives me so much purpose and we have the same goals. We have the same ideologies, and I just can’t stop talking to her. I love conversing with her, especially with ideas,” sabi ng binata.

Baka Bet Mo: Robi Domingo nai-imagine na ang sarili na meron nang pamilya after 5 years

Sabi naman niya noon sa pagpapakasal nila ni Maiqui, “I think I’m ready to have that certain level up in our relationship. So, yes, napag-uusapan siya. Kasi nasabi ko din sa kanya ‘to a couple of weeks before, wala man akong market, may forever naman ako.

“Wala naman na akong ibang naiisip na gawin, wala naman na akong ibang nakikita. And I think I’m ready.

“Kapag nagawa mo na ‘yung mga gusto mo sa buhay, na-achieve mo na, and when you’re stable, that’s when you feel you are going to be partially ready. But to complete that, kailangan alam mong handa kang tumaya, handa kang ibigay lahat.”

“Kasi ako just think about it, kahit gusto kong sabihin na kinakabahan ako, mas nangingibabaw ang excitement ‘cause I know it’s going to be a fun journey with her,” pahayag pa niya.

Nauna nang ibinalita ni Robi na kasama sa magiging ninang at ninong nila sa kasal ang celebrity couple na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Robi, Maiqui naging magdyowa dahil kay Piolo: We owe him everything!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Robi inatake ng matinding nerbiyos nang mag-propose kay Maiqui: Please make me the best man for her, sana hindi ako ‘yung mali sa kanya…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending