Robi, Maiqui naging magdyowa dahil kay Piolo: We owe him everything! Bandera

Robi, Maiqui naging magdyowa dahil kay Piolo: We owe him everything!

Ervin Santiago |June 03,2021
share this

Robi, Maiqui naging magdyowa dahil kay Piolo: We owe him everything!

Ervin Santiago - June 03, 2021 - 09:20 AM

FEELING ng magdyowang Robi Domingo at Maiqui Pineda si Piolo Pascual talaga ang nagsilbing “kupido” kaya sila naging magkarelasyon.

Ayon mismo sa girlfriend ni Robi, utang nila kay Papa P kung bakit sila naging close ng TV host hanggang sa mauwi na nga ito sa seryosong relationship. Aniya, “We owe him everything. So, thank you Piolo.”

Sa “Jojowain o Totropahin” vlog ni Robi sa kanyang YouTube channel, napag-usapan nga nila ang tungkol dito at binalikan ang mga eksenang naging dahilan ng kanilang pagkikita at ngayon nga ay dalawang taon na sila bilang couple.

“So there was this party, during this Christmas. Katatapos lang ng ABS-CBN Christmas Special nu’n. Every year naman, nag-aattend ako ng after-party.

“Pero nu’ng year na ‘yun, sabi ko, pagod na ‘ko, ayoko na. But then again, this guy (Piolo), na jojowain namin pareho (ni Maiqui), called and said, ‘Bro, nasaan ka na?'” pagbabalik-tanaw ni Robi.

“‘Sabi ko, ‘Papa P ayoko na, pagod na ‘ko.’ Sabi niya, ‘Mahiya ka naman. Isipin mo na lang yung oras na ibinigay sa ‘yo, yung tiwalang ibinigay sa ‘yo ng ABS-CBN at ‘yun na yung paraan para magpasalamat ka.’ After that, ‘yun, umakyat ako.

“In that event, I showed lots of gratitude. Doon nakita ko kung ano nga ba yung ibig sabihin ng Kapamilya, at doon ko rin nakita kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pagmamahal,” kuwento pa ng TV host-actor.

Nu’ng time na yun ay naroon din pala si Maiqui at inalala ang tagpong nagkasalubong sila ni Robi na batchmate nga niya sa Ateneo de Manila University.

“So I was alone lang kasi. No, I wasn’t alone, pero I didn’t know anyone except Robi. Ateneo, you know, we’re batchmates, but we’re not naman friends. Like we just knew of each other. So I said ‘hi’ to him,” sabi ni Maiqui, and the rest as they say, is history.

Noong 2019 nang ibandera ni Robi sa publiko na girlfriend na niya si Maiqui at sa isang panayam nga ay nabanggit niya kung gaano kaespesyal sa kanya ang dalaga.

“I fall in love constantly with her. Kasi there’s another world na nakikita ko sa kanya. And also, she puts my feet down. ‘Yun yung pinakamasarap na pakiramdam kapag kasama ko si Maiqui. Everything’s real, pero lahat ng pangarap ko parang natupad ko sa kanya.

“Ang paniniwala ko, love is serendipitous. Kapag dumating yung tamang tao sa tamang panahon, for me, ‘yun yung perfect love. Kasi puwedeng dumating yung tamang tao pero marami ka pang kagustuhan before, iba yung priorities mo, iba yung responsibilities mo.

“May mga gusto ka pang maabot sa sarili mo lang, and that’s okay. May dumarating din na pagkakataon, pero hindi naman siya yung perfect na tao, yung tamang tao para sa ‘yo. 

“Kapag naghalo na yung dalawang konseptong ‘yun, timing at right person, then I think ‘yun na ‘yun. And I think ‘yun yung meron sa amin,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending