Robi inatake ng matinding nerbiyos nang mag-propose kay Maiqui: Please make me the best man for her, sana hindi ako ‘yung mali sa kanya... Bandera

Robi inatake ng matinding nerbiyos nang mag-propose kay Maiqui: Please make me the best man for her, sana hindi ako ‘yung mali sa kanya…

Ervin Santiago |November 14,2022
share this

Robi inatake ng matinding nerbiyos nang mag-propose kay Maiqui: Please make me the best man for her, sana hindi ako ‘yung mali sa kanya…

Ervin Santiago - November 14, 2022 - 07:26 AM
Robi takot na takot nang mag-propose kay Maiqui: Please make me the best man for her, sana hindi ako ‘yung mali sa kanya...

Maiqui Pineda at Robi Domingo

MATAGAL na palang balak mag-propose ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo sa kanyang fiancée na si Maiqui Pineda pero na-delay nga ito dahil sa ilang personal na dahilan.

Ayon kay Robi, ang una raw niyang plano ay mag-propose kay Maiqui pagkatapos ng hosting job niya sa nakaraang edisyon ng “Pinoy Big Brother” ng ABS-CBN.

Pero pagkatapos na pagkatapos daw ng “PBB” ay bigla raw in-offer sa kanya ng management ang “Idol Philippines”. Feeling ni Robi baka raw sign ito na medyo kumalma muna siya at ipagpaliban muna ang plano niyang proposal.

Sa panayam ng Teleradyo sa binata, nabanggit ni Robi na napakalaki ng partisipasyon ng 2022 elections sa relasyon nila ni Maiqui kung saan nalaman niyang napakarami pala nilang pagkakapareho ni Maiqui.

“She gives me so much purpose and we have the same goals, we have the same ideologies, and I just can’t stop talking to her. I love conversing with her, especially with ideas,” ang pahayag ni Robi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo)


“Sometimes, I get to be distracted with certain luhos in the world and she would just hold me back and say this is the wants of the world and this is what we need and this is what you need to do, you are given a voice, use it wisely,” chika pa ng binata.

Sey naman ni Maiqui, natutuwa at proud siya dahil sa mga makabuluhang bagay na ginagawa ngayon ni Robi para sa ibang tao.

“I’m very private and I don’t have much of a voice but he has the voice and in some way, when I guide and I tell him na you should do this, you should do that, it’s like my voice also gets amplified through him because I wanna also do many things.

“It helps that we have the same interests. I’m interested in his world and from the very start, we were very smart on how we’re gonna handle it, always to keep things private, some things public.

“You can’t also escape it, you really have to embrace it at some point that this is his life. It’s officially gonna be a part of my life forever it’s not something to escape but to embrace,” lahad pa ng dalaga.

At dito na nga sinabi ni Robi na saktung-sakto ang timing ng pagpunta nila ni Maiqui sa Japan noong nagdaang Holloween break kung saan nakasama rin niya ang mga kaibigang sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Ria Atayde, Zanjoe Marudo at Joshua Garcia.

Nasaksihan nga ng buong tropa ni Robi at ng ilang kapamilya ni Maiqui ang naganap na engagement.

“I was more afraid of what’s gonna happen next kaya sobrang kabado ako and internally that was just my prayer it’s not just for me asking God na please make Mikes the best woman for me but it’s more of please make me the best man for Mikes, sana hindi ako ‘yung mali sa kanya.

“Allow yourself to get surprised and be surprised,” sabi ni Robi.

Wala pang detalyeng inilalabas ang engaged couple kung kailan at saan magaganap ang kanilang wedding.

Robi Domingo nai-imagine na ang sarili na meron nang pamilya after 5 years

Robi, Maiqui naging magdyowa dahil kay Piolo: We owe him everything!

Ion Perez naiyak nang di payagang mag-propose kay Vice Ganda sa ‘Showtime’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending