Ion Perez naiyak nang di payagang mag-propose kay Vice Ganda sa 'Showtime' | Bandera

Ion Perez naiyak nang di payagang mag-propose kay Vice Ganda sa ‘Showtime’

Therese Arceo |February 17,2022
facebook
share this

Ion Perez naiyak nang di payagang mag-propose kay Vice Ganda sa ‘Showtime’

Therese Arceo - February 17, 2022 - 05:13 PM

Ion Perez naiyak nang di payagang mag-propose kay Vice Ganda sa 'Showtime'
UMAAPAW ang sayang nararamdaman ng bagong kasal na sina Vice Ganda at Ion Perez nang i-welcome sila ng kanilang “It’s Showtime” family kahapon, February 16.

Ito ay matapos isiwalat ng Unkabogable Star ang kanilang pag-iisang dibdib na naganap sa Las Vegas noong Oktubre ng nakaraang taon sa kanyang YouTube vlog.

Sa pagsalubong nga ng mga kaibigan at mga co-hosts nila sa kanila ay naikuwento ng dalawa ang ilang mga kaganapan sa kanilang relasyon noon na pinili nilang itago gaya na lang ng pagiging engaged nila noon pang 2020.

“Ganito pala ‘yung pakiramdam na pinili mo ‘yung taong mahal na mahal mo. Na pipiliin kita nang paulit-ulit. Sabi ko naman di ba? I love you, Tuy,” naiiyak na sabi ni Ion.

Damang-dama naman at kitang kita sa mga mata nito kung gaano niya kamahal si Vice.

Sey nga ni Vice, naiintindihan niya ang partner dahil alam niyang hindi ito masalitang tao.

Dito nga ay naikuwento ni Teddy Corpuz ang nangyari noong hindi payagan si Ion ng management na mag-propose sa kasintahan.

Naging saksi nga si Teddy Corpuz sa kalungkutang nadama ng binata noon nang malaman niyang hindi maaring mangyari ang kanyang planong sorpresa para kay Vice.

“Kung alam niyo lang ‘yung pain nung nakita namin dati si Ion pinagbawalan. Ta’s nakita ko si Ion nakahiga dun. ‘Uy, anong problema? Hindi pumayag.

“Gusto niya nga dito talaga sa Showtime mag-propose. Tas nakahiga siya dun sa kwarto, Nakita namin yung pain. Kaya forever Team Loyal kaming tatlo,” naluluhang kwento ni Teddy.

Ang Team Loyal na sinasabi ni Teddy ay ang grupo nilang tatlo nina Ion at Jugs Jugueta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

Silang tatlo kasi ang nagplano kung paano nila gagawin ang surprise proposal para kay Vice.

Kwento ni Ion, dumating pa raw sila sa point na lagi silang nag-uusap sa banyo para walang makikita na nagpaplano sila.

“Balak pa namin magdi-disguise kami. Punta kami ng mall (para bumili ng singsing),” masayang saad ni Ion.

Wala naman silang sinabing rason kung bakit nga ba hindi pinayagan na mag-propose si Ion sa kasintahan pero sa ngayon ay masaya na sila dahil finally, wala na silang tinatago at malaya na silang magmahalan.

“Wala na akong pakialam. Hindi natin gagawin yun kung tatanggapin tayo ng simbahan o ng kapareho natin ng relihiyon, wala na kaming (Vice and Ion) pakialam don. We will continue to celebrate our love for both of us and for the people who love us,” saad ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Vice inilihim ang proposal ni Ion: Sobra akong natakot na babuyin lang ng tao itong bagay na napakaganda sa akin
Vice nagpasalamat sa Diyos sa pagdating ni Ion: Ang bait Mo binigyan Mo ako ng ganito…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending