Robi Domingo ready na sa buhay-asawa, gagawing ninang si Regine Velasquez sa kasal | Bandera

Robi Domingo ready na sa buhay-asawa, gagawing ninang si Regine Velasquez sa kasal

Pauline del Rosario |February 25,2023
facebook
share this

Robi Domingo ready na sa buhay-asawa, gagawing ninang si Regine Velasquez sa kasal

Pauline del Rosario - February 25, 2023 - 11:59 AM

Robi Domingo ready na sa buhay-asawa, gagawing ninang si Regine Velasquez sa kasal

PHOTO: Instagram/@iamrobidomingo

ABALA sa pagpaplano ang TV host na si Robi Domingo para sa matupad na ang dream wedding nila ng kanyang fiance na si Maiqui Pineda.

‘Yan ang naging chika mismo ni Robi matapos siyang ma-interview sa lifestyle morning talk show na “Magandang Buhay” nitong February 24.

Bagamat hindi pa niya ibinubunyag ang petsa ng kanyang kasal, sinabi naman niya na may mga inaayos nalang sila sa mga venue.

“Right now, safe to say na may mga hakbang na ginagawa na kami para maayos ‘yung lugar, ‘yung reception,” sey ni Robi.

Ibinunyag din ng TV host na ang isa sa mga napili niyang maging ninong at ninang sa kasal ay ang mag-asawang Regine at Ogie Alcasid.

“Bago pa mangyari ang engagement, naka-block off na. Feeling ko magiging okay na godparents sina Mr. Ogie, Ms. Regine. Super okay, super sure,” saad niya.

At siyempre, bukod sa pagpapakasal ay inamin din ni Robi na pinaghahandaan na rin nila ang pagsasama sa iisang bubong bilang mag-asawa.

Kwento ng TV host, “Tapos hindi lang ‘yung kasal ang iniisip namin pero ‘yung what happens after, kung saan na kami titira.”

Dagdag niya, “Masaya ‘yung feeling na oh makakasama mo, ‘yung ang sarap na kasama every single day habambuhay.”

Matatandaan noong Nobyembre nang mag-propose si Robi sa kanyang longtime partner na si Maqui habang sila’y nagbabakasyon sa Japan kasama ang iba pang Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Joshua Garcia, Ria Atayde, at Zanjoe Marudo.

At makaraan nga ng ilang linggo ng wedding proposal ay ibinunyag ng TV host na sinimulan na nilang planuhin ang kanilang dream wedding.

“Yes, we are. It’s gonna be a short engagement,” ang pahayag ni Robi sa Kapamilya Online Live habang umeere ang “ASAP Natin To.”

Sey pa ng TV host, ipinauubaya na niya kay Maiqui ang lahat ng desisyon tungkol sa mga detalye at iba pang kakailanganin sa wedding basta siya na ang bahala sa budget at finances.

“But of course lahat ng mga decisions, mapupunta sa kanya. As much as I want to say it’s a joint celebration, it is actually, siyempre we are gonna be celebrating our love and marriage pero right now, totoo pala yung sinasabi nilang ‘happy wife, happy life,’” aniya pa.

Related chika:

Robi Domingo nai-imagine na ang sarili na meron nang pamilya after 5 years

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Robi umaming selosong dyowa: Parang napapraning ako!

Robi, Maiqui naging magdyowa dahil kay Piolo: We owe him everything!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending