Robi umaming selosong dyowa: Parang napapraning ako! | Bandera

Robi umaming selosong dyowa: Parang napapraning ako!

Ervin Santiago |May 28,2021
facebook
share this

Robi umaming selosong dyowa: Parang napapraning ako!

Ervin Santiago - May 28, 2021 - 12:19 PM

WALANG kaarte-arteng inamin ng TV host-actor na si Robi Domingo na totoong seloso siya pagdating sa girlfriend niyang si Maiqui Pineda.

Dalawang taon nang magkarelasyon ang dalawa at ayon sa Kapamilya star, napag-uusapan na rin nila ang kanilang kinabukasan at pagkakaroon ng sariling pamilya.

Ngunit sa kabila nito, may mga pagkakataon daw na inaatake pa rin talaga si Robi ng selos na sa tingin naman niya ay natural lang maramdaman ng isang taong nasa isang relasyon.

Sa first episode ng bagong segment ni Kathryn Bernardo sa kanyang YouTube channel na may title na “TGIS”, kung saan si Robi nga ang naging special guest niya at isa nga sa mga napag-usapan nila ay ang selosan.

Nang inamin ng binata kay Kathryn na talagang seloso siyang boyfriend, tila nagulat pa ang girlfriend ni Daniel Padilla dahil parang wala nga sa personalidad nito ang pagiging seloso.

“Oo, dati may pagkakataon na…kasi close siya sa kanyang circle of friends na nandoon yung mga exes niya. And ako, hindi ko kayang lunukin ‘yun.

“Tapos minsan wala pa ako doon kasi barkada nights. Parang napapraning ako, ‘Anong gagawin ko pare, bro? Tatawagan ko ba?’ Kapag tinawagan ko masyado naman akong ano nu’n,” kuwento ni Robi.

Pero chika ng TV host, ang pinanghahawakan na lamang niya sa mga pagkakataong nakakaramdam siya ng selos ay ang malaking tiwala niya kay Maiqui at ang pagmamahal nito sa kanya.

“Ang iniisip ko na lang, pabayaan ko na lang. Pabayaan na lang kita, kasi maliban sa trust kita, kapag may ginawa kang mali, ang repercussions, alam mo naman,” katwiran pa ng binata.

Samantala, naikuwento rin ni Robi kay Kath kung paano nagsimula ang love story nila ni Maiqui dalawang taon na ang nakararaan.

“Initially, hindi namin type ang isa’t isa. Ako mahilig ako sa chinita. But I fell in love constantly with her. Kasi there’s another world na nakikita ko sa kanya. And also, she puts my feet down.

“Yun yung pinakamasarap na pakiramdam kapag kasama ko si Maiqui. Everything’s real, pero lahat ng pangarap ko parang natupad ko sa kanya,” pagbabahagi pa ng binata.

Aniya pa, “Ang paniniwala ko, love is serendipitous. Kapag dumating yung tamang tao sa tamang panahon, for me, ‘yun yung perfect love. Kasi puwedeng dumating yung tamang tao pero marami ka pang kagustuhan before, iba yung priorities mo, iba yung responsibilities mo.

“May mga gusto ka pang maabot sa sarili mo lang, and that’s okay. May dumarating din na pagkakataon, pero hindi naman siya yung perfect na tao, yung tamang tao para sa ‘yo.

“Kapag naghalo na yung dalawang konseptong ‘yun, timing at right person, then I think ‘yun na ‘yun. And I think ‘yun yung meron sa amin,” sabi pa ni Robi.

At nang tanungin nga ni Kathryn kung napag-uusapan na nila ang pagpapakasal, “We’ve been talking about it for quite some time now, lalong lalo na we’re not getting any younger. And ‘yun naman yung mga inaayos ko na ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, in the coming years, you would be one of the first people who would know kung I would be bending the knee. I’m so excited for that one,” pangako pa ni Robi kay Kathryn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending