David Licauco kakaiba raw ang pagsulyap kay Kathryn, may spark!?

David Lucauco at Kathryn Bernardo
NAKITAAN ng chemistry at kilig factor ng netizens sina David Licauco at Kathryn Bernardo nang magsama at magtabi sa naganap na “Body of Work” underwear fashion show.
Kaya naman ang next na ganap, kinakalampag ngayon ng mga supporters nina Kath at David ang GMA at ABS-CBN na sana’y sa susunod nilang collaboration ay bigyan ng chance ang KathVid.
Sa Instagram, nag-post ang Kapuso hunk ng mga litrato na kuha sa pagrampa niya sa runway ng Body of Work fashion event. Ilan dito ay ang photos nila ni Kathryn na magkatabi sa stage.
May mga pictures din sa social media kung saan kitang-kita kung paano sulyapan at titigan ni David si Kath at personal din naming nasaksihan yan dahil malapit lang ang upuan namin sa stage ng event.
Iba rin naman kasi ang titig ni David kay Kathryn kaya hindi maiwasang kiligin ang mga nakapanood sa “Body of Work.” Pati ang smile ng Kapuso hunk ay may kakaibang spark.
View this post on Instagram
At dito nga maraming nagkomento na bagay din pala sina Kathryn at David kaya sabi ng mga netizens pagsamahin na sa teleserye o pelikula ang dalawa.
“Napapakagat labi nlang eh.”
“Hindi ako basher ha… Peru cla kath at David may impact cla… nakakakilig sana may movie cla dalawa n kath… Hindi bagay cna David at barbie.”
“Ung maka pag hi ka sa hinanhangaa mo. Starstruck si david ky kath.”
“Oks lng sulyap bagay nga sila parehong cute.”
“Sana magka-movie or teleserye kayo ni Kathryn. May chemistry kayo.”
“May chemistry. Kilig ako ‘pag nagtitinginan kayo ni Kath.”
Matatandaang noong March, 2024 ay nagkatabi rin sa Bench Fashion Week sina David at Kathryn pero hindi pa ito masyadong napansin ng publiko.
Sa isang panayam kay David after ng naturang event ay inamin niyang fan siya ni Kathryn at ng dati nitong boyfriend na si Daniel Padilla. At game na game rin daw siyang makatrabaho ang Box-office Queen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.