Kasal nina Robi Domingo, Maiqui Pineda itutuloy

Kasal nina Robi Domingo, Maiqui Pineda itutuloy: ‘Iniisip ko ‘yung health niya, pero…’

Pauline del Rosario |September 01,2023
facebook
share this

Kasal nina Robi Domingo, Maiqui Pineda itutuloy: ‘Iniisip ko ‘yung health niya, pero…’

Pauline del Rosario - September 01, 2023 - 10:22 AM

Kasal nina Robi Domingo, Maiqui Pineda itutuloy: ‘Iniisip ko ‘yung health niya, pero…’

PHOTO: Instagram/@iamrobidomingo

FOR better or for worse matutuloy ang kasal ng TV host na si Robi Domingo at ng kanyang fiancée na si Maiqui Pineda.

Ito ang kinumpirma mismo ni Robi matapos siyang ma-interview ng ABS-CBN News sa kabila ng pinagdadaanan ng kanyang soon-to-be-wife pagdating sa kalusugan.

Magugunitang kasabay ng contract signing ni Robi sa nasabing TV network noong Agosto ay napag-alaman din na na-diagnose si Maiqui ng isang rare autoimmune disease na tinatawag na “dermatomyositis.”

Ayon pa nga sa vlog ng bride-to-be ng TV host, ang akala niya ay simpleng rashes sa balat at pananakit ng katawan lang ang meron siya, ngunit nang ma-confine siya sa ospital ay dito na niya nalaman ang kanyang sakit.

Anyway, tinanong nga si Robi kung mamo-move nga ba ang kasal niya.

Baka Bet Mo: Robi Domingo ready na sa buhay-asawa, gagawing ninang si Regine Velasquez sa kasal

Agad naman niya itong sinagot ng “no.”

Chika pa niya, “So we talked about it and honestly, because of her condition, I was the one who told her, ‘Baka dapat i-delay natin ng konti’, kasi medyo iniisip ko na ‘yung health niya.”

“And then, siya ‘yung nagsabi na, ‘Don’t. Give me something to hope for.’ And upon hearing that siyempre iyak ako. Lalaban, lalaban tayo!” ani pa ni Robi.

Kasunod niyan ay kinamusta ng ilang entertainment press ang kalagayan ni Maiqui.

Sey ni Robi, “She’s getting better. Long way to go pero malayo doon sa image ko na nakikita ko sa kanya nasa hospital bed. Now she can walk properly.”

Nabanggit din ng TV host, na habang naka-focus ang kanyang soon-to-be wife sa pagpapagaling ay siya naman daw ang abala sa paghahanda ng kanilang kasal.

“Right now since she’s focus sa health niya, ako ‘yung groomzilla ngayon,” sambit ni Robi.

Kwento pa niya, “Ako ‘yung nagha-handle ng lahat ng mga bagay. Kaya medyo nakaka-pressure, nakaka-stress.”

“But it’s the details that count eh na, ‘okay kailangan ako na bahala, relax ka na diyan’,” aniya pa.

Wala pang detalye na ibinigay si Robi pagdating sa kanilang wedding, pero tiyak daw na maka-Pilipino ang tema nila.

“The theme will be really close to our heart, which is Filipino…kasi mahilig siya sa mga culture natin,” lahad ng TV host.

Related Chika:

Robi, Maiqui naging magdyowa dahil kay Piolo: We owe him everything!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Robi Domingo nai-imagine na ang sarili na meron nang pamilya after 5 years

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending