Daniel desperado na, nagpatulong para balikan ni Kathryn?

Daniel desperado na, nagpatulong sa mga kaibigan para balikan ni Kathryn?

Ervin Santiago |December 28,2023
facebook
share this

Daniel desperado na, nagpatulong sa mga kaibigan para balikan ni Kathryn?

Ervin Santiago - December 28, 2023 - 01:32 PM

Daniel desperado na, nagpatulong sa mga kaibigan para balikan ni Kathryn?

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

TOTOO kaya na lumapit si Daniel Padilla sa kanyang mga kaibigan para tulungan siya sa pakikipagbalikan kay Kathryn Bernardo?

Balitang nakiusap ang Kapamilya actor sa mga common friends nila ni Kath para magkausap muli nang masinsinan para maayos ang kanilang mga naging problema in the past.

Isa ang isyung ito sa mga tinalakay sa nakaraang episode ng “Showbiz Now Na” YouTube channel nina Nanay Cristy Fermin. Mukhang desperado na raw si Daniel sa kanyang kagustuhang mapasakanya uli ang ex-girlfriend.

Sabi ng veteran showbiz columnist at host na si Nanay Cristy, may mga chika na nakarating sa kanila na nakikiusap nga raw si Daniel sa mga friends nila ni Kathryn dahil gustung-gusto niyang makipagbalikan sa aktres.

“Nilalapitan ni Daniel Padilla para pakiusapan (mga kaibigan nila) baka ma-win back pa niya si Kathryn,” sey ni Nanay Cristy.

Ayon naman sa co-host niyang si Romel Chika, parang imposible raw makialam at makisawsaw ang mga friends ng aktor sa breakup nila ni Kath.

Baka Bet Mo: Daniel, Kathryn handang-handa nang sumabak sa bagong challenge ngayong 2023, may pa-surprise kaya sa V-Day?

“Kasi ‘yung paraan at dahilan ng paghihiwalay, hindi maganda,” katwiran ni Romel.

Sabi naman ni Nanay Cristy, “Ako palagay ko, pakikinggan siya. Magpapahiram sa kaniya ng tenga ‘yung mga kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pero hindi aakto o aaksiyon para sa kanilang pagbabalikan. Kasi kaya nga magkakaibigan kayo, e. Alam nila ang tunay na nangyari,” dugtong pa niya.

Payo pa niya kay DJ, dapat siya raw mismo ang gumawa ng paraan para makuha niya uli ang puso ni Kathryn para maramdaman ng dalaga na sincere at totoo ang kanyang pagsisisi.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo sa mga bagong pasabog sa showbiz career ngayong 2023: ‘Sa totoo lang, kabang-kaba na talaga ‘ko!’

Para naman sa isa pang co-host ni Nanay Cristy sa naturang vlog na si Wendell Alvarez, hindi na raw niya tatanggapin si Daniel kapag nakipagbalikan ito.

“Kung ikaw si Kathryn, tatanggapin mo pa sa panahong ito si Daniel Padilla?” tanong ni Nanay Cristy Cristy kay Wendell.

“Sa panahong ito, baka hindi na. Baka siguro sabihin ko na lang, naka-move na ako, e.

“Pwede siguro tayong magkaibigan na lang pero wala na ‘yung relasyon na ‘yun,” aniya pa.

Sa isa pang episode ng “Showbiz Now Na” last December ay nabanggit din nina Nanay Cristy na may nagparating din sa kanila na diring-diri raw si Kathryn kay Daniel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinaniniwalaang isa ang Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes sa mga naging dahilan kung bakit naghiwalay ang KathNiel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending