Daniel Padilla, Mommy Min ‘spotted’ na nagyakapan sa backstage

Daniel Padilla, Mommy Min ‘spotted’ na nagyakapan sa backstage, fans natuwa

Pauline del Rosario |December 24,2023
facebook
share this

Daniel Padilla, Mommy Min ‘spotted’ na nagyakapan sa backstage, fans natuwa

Pauline del Rosario - December 24, 2023 - 02:42 PM

Daniel Padilla, Mommy Min ‘spotted’ na nagyakapan sa backstage, fans natuwa

PHOTO: Facebook/Nice Print Photography, screengrab from TikTok/@pa3kcon

TILA nanatiling maayos ang relasyon ni Daniel Padilla at ina ni Kathryn Bernardo na si Mommy Min sa kabila ng hiwalayang KathNiel.

Kamakailan lang kasi nag-viral ang isang video kung saan nagkaroon ng interaction si Daniel at Mommy Min sa backstage kung saan ginaganap ang Christmas Special event ng ABS-CBN.

Mapapanood na inabot ni Daniel ang kanyang kamay kay Mommy Min upang mayakap.

Makikita rin na mukhang nagbiro pa si Daniel kaya natapik siya nang bahagya sa mukha ni Mommy Min.

Nandoon din si Kathryn malapit sa kanila, ngunit may kausap siyang iba that time.

Baka Bet Mo: Mommy Min shocked sa sinisingil ng fan para sa ‘domain’ ni Kathryn: Sarili mong pangalan ‘di mo pwedeng gamitin

@pa3kcon Kapamilya Stars #abscbn #kapamilyaforever #kapamilyastars #abscnkapamilya ♬ original sound – Leonard

Tuwang-tuwa naman ang fans sa kanilang nakita dahil isa raw itong patunay na naging maayos naman sa pagitan nina Kath at DJ.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“[I don’t’ know] but I cried [crying face emojis] Tita Min & DJ [crying face, heartbroken emojis]”

“Okayyy naman pala si Tita Min at Deej.”

“Ok naman pala mama ni Kat at si DJ nag-hug pa sila..”

“Tita Min and DJ, parang anak niya talaga si Daniel. ‘Yung pagbatok eh! HAHAHAHA”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magugunita noong November 30 nang kumpirmahin ng KathNiel na tuluyan na silang naghiwalay makalipas ang mahigit isang dekada na magkarelasyon.

Ang dating couple ay magkasamang nag-perform sa nasabing event na kung saan ito ang kanilang kauna-unahang public appearance nila matapos ang official breakup.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending