Kathryn na-shock sa regalo ni Mommy Min; napayakap pa kay Daniel | Bandera

Kathryn na-shock sa regalo ni Mommy Min; napayakap pa kay Daniel

Alex Brosas |June 07,2021
facebook
share this

Kathryn na-shock sa regalo ni Mommy Min; napayakap pa kay Daniel

Alex Brosas - June 07, 2021 - 06:59 PM

SURPRISED na surprised si Kathryn Bernardo sa birthday gift sa kanya ng inang si Mommy Min Bernardo.

Hindi siya makapaniwala dahil super bongga ito at hindi niya kailanman inisip na ibibigay sa kanya ito bilang isang birthday gift.

Isang studio lang naman ang regalo ni Mommy Min sa dyowa ni Daniel Padilla. Ipinakita niya ito sa kanyang Instagram account. 

Ang paniwala kasi ni Mommy Min ay kakailanganin ito ni Kathryn para mayroon siyang sariling place para sa shoots, pictorials, events, commmercials or vlogs.

Sa kanyang Instagram account, gulat na gulat si Kathryn pagkakita sa studio. Napayakap pa nga siya kay Daniel.

“It’s June already but turns out my birthday celebration isn’t over yet!  Thank you so much mama and to everyone who took part in this sweet surprise. 

“I can’t believe I finally have my very own studio!!! See what happened during the reveal on the latest episode of #EverydayKath,” caption ni Kath sa kanyang IG post.

* * *

Labis ang pasasalamat ni Coco Martin sa patuloy na pagdami ng mga sumusubaybay gabi-gabi sa pambansang teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa YouTube sa Kapamilya Online Live ng ABS-CBN.
“Dahil po sa inyo, lalo po kaming ginaganahan magtrabaho kahit napakahirap ng sitwasyon ngayon because of COVID-19. 

“Kapag naririnig namin na nandiyan pa rin kayo para samahan kami gabi-gabi ay patuloy na nagpapalakas ng loob namin, kahit ano ang lungkot, hirap na pinagdadaanan namin ngayon. Kayo po ang nagbibigay ng lakas sa amin,” pahayag ni Coco sa isang “TV Patrol” report.

Walong magkakasunod na episodes nang sinira ng programa ang sarili nitong record ng pinakamaraming viewers na sabay-sabay na nanonoood sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Nitong nagdaang Hunyo 3, nagtala ng 154,039 na live concurrent viewers ang programa na tumutok sa madugong pakikipaglaban ni Cardo (Coco), Lia (Jane de Leon), at Task Force Agila sa batalyon ni Renato (John Arcilla) na nauwi sa pagkakasawi nina Teddy (Joel Torre) at Virgie (Shamaine Buencamino).

Marami sa mga kasama ni Cardo ang sugatan ngunit matagumpay naman silang nakatakas mula kay Renato. Ngunit saan na sila pupunta ngayong wala na silang mababalikan at wanted pa rin sila ng batas?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang mga maaaksyong eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending