Daniel Padilla, Xian Lim mabenta pa ring pulutan ngayon ng mga bashers | Bandera

Daniel Padilla, Xian Lim mabenta pa ring pulutan ngayon ng mga bashers

Reggee Bonoan |January 15,2024
facebook
share this

Daniel Padilla, Xian Lim mabenta pa ring pulutan ngayon ng mga bashers

Reggee Bonoan - January 15, 2024 - 07:35 PM

Daniel Padilla, Xian Lim mabenta pa ring pulutan ngayon ng mga bashers

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Kim Chiu at Xian Lim

DALAWANG aktor ang pinupulutan ngayon ng netizens — sina Daniel Padilla at Xian Lim na parehong nahiwalay sa kani-kanilang karelasyong sina Kathryn Bernardo at Kim Chiu.

Ang comments section ng Instagram account ni Daniel ay limitado at para ito sa mga kaibigan lang siguro niya dahil ayaw niyang makabasa ng bashing mula sa netizens.

Siya kasi ang itinuturong may kasalanan kung bakit sila naghiwalay ni Kathryn dahil sa umano’y third party.

Baka Bet Mo: Xian Lim hindi pa handang maging tatay: Spiritually, I think I need a proper mindset for it

Hindi rin nagustuhan ng netizens ang mga asta ng aktor sa aktres nu’ng dumalo sila sa kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda-Domingo kamakailan na feeling “dyowa”pa rin daw na laging nakabuntot at panay ang bulong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Irita man si Kathryn ay hindi niya ito ipinahahalata dahil gusto pa rin niyang maging civil at higit sa lahat maging propesyonal dahil sa mata ng publiko.

Kaya naman ilang araw lang ang nakalipas ay in-unfollow na ni Kath si DJ bilang hudyat na hindi na siya interesado sa dating karelasyon anuman ang gawin nito.

In fairness sa KathNiel ay pareho silang hindi nagsasalita tungkol sa isyu at kanya-kanya na silang focus sa mga trabaho nila.

Baka Bet Mo: Xian alam ang mga hinanakit at sama ng loob ni Kim; umaming kinakabahang makatambal si Jennylyn

May nagsabi na naka nanadya si Daniel para pag-usapan siya dahil nga may upcoming projects siya sa Kapamilya Network.

Going back to Xian naman ay iritable rin sa kanya ang netizens dahil playing safe ang mga sagot niya kung ano ang dahilan ng hiwalayan nila ni Kimmy.

Ang laging dahilan ng aktor ay baka may purpose si God kaya sila naghiwalay at kung anu-ano pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nabanggit pang hindi raw siya bothered sa bashings dahil mas pinagtutuunan nito ang kanyang craft na reaksyon naman ng netizens ay may acting skills daw ba siya?

Anyway, sa sinasabi ni Xian na hindi siya bothered ay imposible iyon dahil kung talagang hindi siya apektado ay bakit totally naka-off ang comments section ng Instagram account niya?

“Pikon si Xian, ayaw niyang nakakabasa ng hindi pabor sa kanya. Kita mo nga kapag may presscon pili rin ang kinakausap niya at umiiwas siya sa mga taong ayaw niyang sagutin,” saad ng taong nakasama ng aktor.

Hmmmm, pareho lang namang pikon sina Daniel at Xian, ang pagkakaiba lang si DJ kapag may nakitang press ay bumebeso naman at maayos siyang makiharap sa mga ito dahil alam niyang malaki ang naitulong sa kanya noong nagsisimula pa lang siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Xian ay parang hindi naman yata ito marunong mag-look back sa mga taong nakatulong sa kanya noong nagsisimula palang siya sa showbiz dahil lahat ay tinabla niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending