Xian alam ang mga hinanakit at sama ng loob ni Kim; umaming kinakabahang makatambal si Jennylyn Bandera

Xian alam ang mga hinanakit at sama ng loob ni Kim; umaming kinakabahang makatambal si Jennylyn

Ervin Santiago |September 01,2021
share this

Xian alam ang mga hinanakit at sama ng loob ni Kim; umaming kinakabahang makatambal si Jennylyn

Ervin Santiago September 01, 2021 - 08:57 AM

Xian Lim, Kim Chiu at Jennylyn Mercado

INAMIN ni Xian Lim na hindi siya nagpaalam sa girlfriend niyang si Kim Chiu nang magdesisyon siyang lumipat sa GMA 7.

Kahapon, humarap ang aktor at direktor sa ilang miyembro ng entertainment media para sa official announcement ng pag-transfer niya sa Kapuso network.

Dito nga kinumpirma ni Xian na tuloy na tuloy na ang  pagsasamahan nilang serye ni Jennylyn Mercado na “Love. Die. Repeat.” na ididirek ni Irene Villamor.

Aniya, kasalukuyan silang naka-quarantine ngayon matapos sumailalim sa RT-PCR test bilang bahagi ng health and safety protocols sa kanilang lock-in taping.

Isa sa mga naitanong kay Xian ay ang isyu ngayon kay Kim na umano’y may pinagdaraanan ngayon sa kanyang showbiz career. May chika kasi na parang hindi raw masaya ang Kapamilya actress sa ginagawa nito ngayon sa “It’s Showtime.” Dahil dito ay may nag-suggest kay Kim na sumunod na lang daw kay Xian sa GMA.

Unang sinagot ng aktor ang tanong kung ipinaalam ba niya muna kay Kim ang desisyong mag-ober-da-bakod bago tuluyang lumipat sa GMA.

“Hindi ako nagpaalam because I know suportado namin ang isa’t isa, mapaano mang desisyong gawin namin. Even po sa mga proyekto, kunyari po sa mga pelikula or teleserye, never po kami umabot sa point na, ‘Uy, magpapaalam muna ako bago ko gawin ‘to.’

“Even nu’ng nagsisimula pa lang po kami, hindi po kami ganu’ng type ng relationship po namin, hindi po ganu’n,” esplika ni Xian kasabay ng paniniguro na kahit anong mangyari ay hindi na mawawala ang tambalang KimXi.

At sa tanong kung gusto rin ba niyang maging Kapuso ang kanyang dyowa, “When it comes po sa decision ni Kim, ang masasabi ko lang po diyan is, we’re very supportive sa kahit ano mang decision o kahit ano man pong moves na gawin namin, mapa-working with other actors, working on different projects, hindi po kami… yun nga po, we’re very supportive.

“Hindi po kami nakikialam sa isa’t isa na ‘Ah, huwag mong gawin ‘to, huwag mong gawin ‘yan, ganyan ganyan.’ We’re just happy, we’re just happy to be working, and mabigyan ng opportunity,” lahad pa ng binata.

Tumanggi rin siyang magsalita tungkol sa umano’y isyu ngayon ni Kim, “Definitely kung meron man pong meron siyang pinagdaraanan, napag-uusapan po namin yung mga ganu’ng bagay.

“As a couple, siyempre that’s something we have and we tell each other ng mga hinanakit namin, mga sama ng loob. But it’s part of it, it’s part of being in a relationship,” paliwanag pa bi Xian.

Samantala, looking forward na si Xian na makatrabaho si Jennylyn dahil talaga raw fan siya ng aktres, “Yung mga pelikula na ginagawa niya before, it’s very surreal na nakakatuwa na nabigyan ako ng pagkakataon to work with her, to work with the network, and to be here sa position ko ngayon.”

Aminado naman siya na ngayon pa lang ay inaatake na siya ng matinding nerbiyos dahil nga first time niyang makakatambal si Jen.

“First time po namin mag-meet no’ng nag-swab test. Kinakabahan ako at first and I think I still am na kinakabahan pa rin ako up to now kasi ‘yun nga, given na hindi pa kami nagkikita before sa kahit anong event.

“And it’s always nakakakaba everytime na makakatrabaho kang bago but she seems like a really nice person and I can’t wait ’til our first day dito pa lang sa quarantine, nagsisimula pa lang ‘yung workshop namin online,” aniya pa.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending