Lolit awang-awa na kay Paolo dahil sa pagsasakripisyo sa 'Eat Bulaga': 'Sana ngayon makabili na siya ng bahay, kabayaran ng matinding bashing' | Bandera

Lolit awang-awa na kay Paolo dahil sa pagsasakripisyo sa ‘Eat Bulaga’: ‘Sana ngayon makabili na siya ng bahay, kabayaran ng matinding bashing’

Ervin Santiago |August 02,2023
facebook
share this

Lolit awang-awa na kay Paolo dahil sa pagsasakripisyo sa ‘Eat Bulaga’: ‘Sana ngayon makabili na siya ng bahay, kabayaran ng matinding bashing’

Ervin Santiago - August 02, 2023 - 01:13 PM

Lolit awang-awa na kay Paolo dahil sa pagsasakripisyo sa 'Eat Bulaga': 'Sana ngayon makabili na siya ng bahay, kabayaran ng matinding bashing'

Paolo Contis at Lolit Solis

DAHIL sa patuloy na “pambubugbog” ng bashers kay Paolo Contis mula nang  maging host ng “Eat Bulaga” sa GMA 7 ay hindi maiwasan ng kanyang talent manager na si Manay Lolit Solis ang maging emosyonal.

Ayaw pa rin kasing tantanan ng mga fans nina Tito, Vic & Joey at ng mga legit Dabarkads ang Kapuso actor at TV host. Talagang tuloy pa rin daw ang pang-ookray at pambabastos nila kay Pao.

Sey ni Manay Lolit, tanggap lang nang tanggap si Paolo ng mga suntok na pinakakawalan ng kanyang mga haters, partikular na ng mga loyal fans ng TVJ at ng dating version ng “Eat Bulaga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eatbulagana


“Awang awa naman ako kay Paolo Contis. Siya ang punching bag ng grupo nila sa Fake o 2nd Bulaga. Kasi nga siya ang pinaka parang leader ng grupo kaya siya ang tumatanggap ng lahat ng suntok o bashing,” simulang post ng talent manager sa kanyang Instagram account.

Patuloy pa niya, “Ok lang basta hindi nakakapikon ang mga salita, pero mas madalas na hindi mo na halos matanggap ang binibitiwan nila against Paolo Contis. Whatever the reason, sige palampasin na lang.

Baka Bet Mo: Lolit Solis dumepensa sa mga bashers ni Paolo Contis matapos mapiling host ng ‘Eat Bulaga’: ‘Trabaho lang, walang personalan’

“Basta gusto niya ginagawa niya, masaya siya sa grupo niya, go lang. Eh ano ba kung siya ang sacrificial lamb. Ok lang na taga tanggap siya ng bashing at puna. Trabaho lang, walang personalan,” ang punto pa ng talent manager at veteran showbiz columnist.

Dagdag pa niyang mensahe, “Sana lang maisip ni Paolo Contis na dahil sa sakripisyo niya sa programa, iyon sanang kikitain niyang TF mapunta sa mabuti.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eatbulagana


“Sana ngayon makabili na siya ng bahay, at maging maayos na ang kanyang buhay. Sakit sa dibdib ang isa sa nakuha niya dito sa Bulaga, sana bigyan din niya ng Bulaga ang buhay niya.

“Mabili na sana niya ang bahay na matagal na niyang pangarap kung saan puwede niyang dalhin mga mahal niya sa buhay. Sige lang, trabaho lang,” sabi pa ni Manay Lolit.

Hirit pa niya, “Mas matatag pang buhay sana kabayaran ng lahat ng bashing na binabato kay Paolo. Salamat na lang at maluwag niyang natatanggap. Siguro nga at nagawang matigas na ang puso niya sa tagal niya sa showbiz, kaya nakakaya niya ang lahat.”

Sa huli, may paalala pa siyang ibinahagi para sa aktor at TV host, “Just look up Paolo Contis, your head high , and stay focus. Be a man of honor, do what you think is right, and move forward. Salute.”

Lolit Solis sa hindi pagsusustento ni Paolo Contis sa mga anak: Maaga pa, puwede pang bumawi

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin never pinersonal si Paolo Contis, walang galit kay Lolit Solis: ‘Bahagi ka lagi ng mga panalangin ko’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending