MTRCB Chair Lala Sotto sa ‘kissing scene’ nina Tito Sen at Helen Gamboa sa E.A.T.: ’44 years na silang ganyan sa Eat Bulaga never naman nagkaisyu’
MARAMING netizens ang nagre-react sa ginawang pagtawag ni Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB Chairman Lala Sotto-Antonio kina Vice Ganda at Ion Perez sa kanyang opisina kahapon, Hulyo 31.
Kinol kasi ang atensyon ng nasabing ahensiya ang “It’s Showtime” sa ginawa nina Vice at Ion sa segment na “Isip Bata” kung saan nagpakita umano ng indecent acts ang dalawa.
Ang isyu pa, may kasamang mga bata sa segment at napanood pa sa katanghaliang tapat noong Hulyo 25 sa A2Z, GTV channel ng GMA at DZOZ/DZOE 11.
Ang eksena raw nina Vice at Ion ay lumalabag sa Section 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986.
Ang punto ng netizens ay bakit sina Vice at Ion lang daw ang ipinatawag ni Chair Lala Sotto-Antonio bakit hindi nito pinatawag din ang magulang na sina dating Senate President Tito Sotto at Ms. Helen Gamboa-Sotto na naghalikan sa pangtanghaling programang “E.A.T.” noong Sabado, Hulyo 29 na umere sa TV5.
Marami rin daw nakapanood sa ginawang ito nina Tito Sen at Ms. Helen at naging viral din sa social media na pinagkumpara ang larawan ng ginawa nina Vice at Ion at ng magulang ni Madam Chair Lala.
Sa pamamagitan ng publicist ni MTRCB chair Lala na si Pilar Mateo ay nag-request kami kung anong reaksyon nito sa ginawa ng magulang sa harap ng camera na napanood din ng taumbayan.
View this post on Instagram
“Hello tita (Pilar) naman 44 yrs na sila ganyan sa Eat Bulaga never naman nagka-issue,” kaswal na sagot ni Ms. Lala.
Samantala, nabasa namin sa thread ng Facebook page ng MTRCB ang mga sumusunod na komento.
Galing kay @Jose Angelo Cagayat, “Lahat naman po ng gawain, open for interpretation kasi may kaniya-kaniya tayong pag-iisip at pang-unawa, pero kumain lang po ng icing ‘yung mga host. Ginagawa naman po siguro ng karamihan ‘yun.”
Sabi ni @Aki Hiro, “Sana wala mangyari pakiusapan o bayaran.. Ipalasap ang batas ng tama kahit sino man sila sa industriya dahil ang batas wala kinikilingan gaano kaman kataas ang iyo pagkatao. Kapag Nagkamali ay kailangan parusahan hindi sapat ang paumanhin at paghingi ng kapatawaran sa publiko dahil matagal ng gumagawa ng kababuyan ngayon lang nagkaroon ng tama pagkakataon na may complainant.”
Paniniwala rin ni @หล่อ เด็กผู้ชาย, “Yun incident naman sana nang tatay mo at nanay mo noong July 29, 2023 sa TV5 tanghaling tapat naggaganyanan sila sa National TV.”
View this post on Instagram
Agree naman si @Karen Ang sa pagpapatawag kina Vice at Ion ng MTRCB, “Be honest po tayo talaga namang di maganda yung ginawa nila Vice ahh, national television at sa segment pa talaga ng mga bata.? Kahit ano pa sabihin na porke nasa malisyosong pag iisip lang daw..wow ha tingin nyo ba talaga wholesome ang ibig sabihin dun sa ginawa nila? Mind you iba din yung nasa isip niyo at di maganda yung ganun. Wag sa ganung sitwasyon, gawin nila yun na sila² lang. And sa isyu naman daw kina Tito at sa wife niya, anong problema dun?”
Komento ni @Damon Lopez, “EH PANO TO. Yung matatandang naglaplapan?”
Mula kay @Edita Singian, “Decent shows for everyone , both for kids and adults for that matter.. thank you MTRCB more power.”
Payo ni @Jing Piaña, “Dapat kc hindi magsama sa the same show c Ion and Vice kc hindi nla ma control mga sarili nla..dpat ilagay nila sa lugar actions nila.”
Pabor si @Tasha Han, “Yes good job! Pakinggan niu ang boses ng masa lalo na ng mga magulang. Set limits and bounderies especially pag mga bata ang audience mo.”
Sabi naman ni @Miladel Ellamil, “Movie and Television Review and Clarification Board sana meron din para sa mga vloggers na nagpapakita or nagpapalabas ng kalaswaan sa social media.”
Lala Sotto pinangarap ding mag-artista noon, may natanggap na mga offer…pero anyare?
Anak ni Tito Sen na si Lala Sotto itinalaga ni Bongbong Marcos bilang bagong MTRCB chair
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.