Tito Sotto hindi mangingialam sa time slot ng bagong programa sa TV5: Ang istasyon po ang bahala pagdating sa airtime
NAKAPANAYAM live nina Cristy Fermin at Romel Chika sa programang “Cristy Ferminute’ sina dating senador Tito Sotto at Joey de Leon ukol sa paglipat ng TVJ sa TV5.
Ang Media Quest daw ang kausap ng TVJ sa paglipat ng “Eat Bulaga” sa TV5 at maganda raw ang kanilang alok na tumugma sa gustong mangyari ng original host ng programa.
Pero pinasalamatan muna ni Tito Sen ang lahat ng network na nag-alok sa kanila bilang bagong bahay ng EB pero ang TV5 ang nagtugma sa lahat ng gusto nila.
Ang sagot ng namumuno ng TVJ sa tanong ni ‘nay Cristy kung gaano kaganda ang alok ng TV5 Media Quest para gawing katangi-tangi ang kanilang network.
“Sa ilang araw naming pinagmi-mitingan ito hanggang ngayon, e, ang TV5 ang pinakamagandang oportunidad, ang TV5 ang may magandang offer kasi hindi lang Air TV, napakaraming platforms. Tatlo channel n’yo may HD, may channel 51, tapos may Cignal TV even sa abroad napakalaki ng following ninyo kaya iyon ang pinakamagandang offer ng Media Quest ‘yun ang aming kausap,”kuwento ni Tito Sen.
Klinaro rin ni Tito Sen na hindi nila kasama si Ginoong Antonio Tuviera sa TV5 dahil pag-aari pa rin niya ang 25% sa TAPE, Inc.
Natanong ni ‘nay Cristy kung paano ang senaryo in terms of timeslot lalo’t mataas ang respeto sa kanila ng buong “It’s Showtime” hosts lalo na kung magkakatapat sila ng “Eat Bulaga” sa TV5.
“Hindi po kami makikialam doon sa usaping iyon, ang istasyon po ang bahala pagdating sa airtime at sila na po ang didiskarte hindi na po kami makikialam sa parte na ‘yun,” katwiran ni Tito sen.
Bakaa Bet Mo: CONFIRMED: Tito, Vic & Joey, iba pang original Dabarkads nasa TV5 na, ipaglalaban na magamit pa rin ang ‘Eat Bulaga’
Ang sagot ni Tito sen kung posibleng mapasama si Alden Richards sa orihinal na Eat Bulaga show, “kung wala na siyang kontrata sa channel 7 bakit hindi? Nakarinig ako ng balita na gusto naman ni Alden kung siya ay maiimbita kaya lang alam ko may kontrata siya sa GMA, eh.”
Sinang-ayunan naman ni ‘nay Cristy na ang loyalty ni Alden ay nasa TVJ dahil sa kanila nito natikman ang popularidad na hindi nito akalaing mangyayari sa kanya.
“Totoo ‘yan salamat kay Alden alam naman namin ang kalooban ni Alden parang kami ‘yan kung wala rin namang kontrata ‘yan, eh (tiyak sasama sa amin). Napakatinong kausap ni Alden ganu’n din sa amin,” say ni Tito sen.
Tinanong din ni ‘nay Cristy kung si Maine Mendoza ay kasama sa TV5.
“Yes, yes as a matter of fact kahit siya ay ikakasal nagbilin pa siya sa amin basta may mga meeting at kalakal siya raw ay handang sumama sa lahat ng oras,” say ni Tito Sen,
Biro naman ni Joey, “Cristy, kasama pa kami sa honeymoon, alam mob a?”
At inamin din ni Tito sen na ninong silang tatlo nina Joey at Vic Sotto sa kasal nina Maine at Congressman Arjo Atayde na hindi binanggit kung kailan.
Going back to Eat Bulaga airing on TV5 ay possible sa first week of July dahil sa kasalukuyan ay maraming inaayos pang legal documents para sa titulo na ang TVJ mismo ang nagmamay-ari nito dahil sila ang content creator kahit pa ipa-copyright ng ilang beses ng iba, mananatiling TVJ ang may karapatan.
Related Chika:
Tito Sotto inaming wala sa plano ang magpaalam sa TAPE, mga ads sa ‘Eat Bulaga’ nag-pull out na rin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.