'Eat Bulaga', Tito, Vic & Joey tuloy na ang paglipat ng TV network, true bang mapapanood nang sabay sa TV5 at Kapamilya Channel? | Bandera

‘Eat Bulaga’, Tito, Vic & Joey tuloy na ang paglipat ng TV network, true bang mapapanood nang sabay sa TV5 at Kapamilya Channel?

Ervin Santiago |May 24,2023
facebook
share this

‘Eat Bulaga’, Tito, Vic & Joey tuloy na ang paglipat ng TV network, true bang mapapanood nang sabay sa TV5 at Kapamilya Channel?

Ervin Santiago - May 24, 2023 - 04:47 PM

Eat Bulaga, Tito, Vic & Joey tuloy na ang paglipat ng TV network, true bang mapapanood nang sabay sa TV5 at Kapamilya Channel?

“GO SIGNAL” na lang daw ng iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ang hinihintay para sa paglipat ng “Eat Bulaga” sa ibang TV Network.

Hot topic pa rin ngayon sa social media ang chikang paglayas ng longest-running noontime show sa GMA 7 dahil sa isyu ng buong production sa TAPE Inc., ang producer ng programa.

Sa pagchichikahan nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez sa kanilang YouTube vlog na “Showbiz Now Na” na-discuss nga nila ang tungkol sa mga kontrobersyang bumabalot sa noontime show ng TVJ.

Ayon kina Nay Cristy, handang-handa na raw ang isang producer sa pagsalo sa “Eat Bulaga” sakaling magdesisyon na sina Tito, Vic at Joey na lumipat ng TV network.

Balitang nagkaroon na umano ng “secret meeting” si Tito Sen at ang nasabing producer tungkol sa magaganap na lipatan. Napag-usapan na rin daw kung sinu-sino sa mga Dabarkads ang sasama sa TVJ.

“Meron pong nakarating sa amin at ito po ay talagang reliable source na nagkakaroon po ng mga secret meeting,” simulang rebelasyon ni Nanay Cristy.

Baka Bet Mo: Alden Richards sinagot kung bakit nag-leave noon sa ‘Eat Bulaga’, super grateful sa programa

“Parang tatlo na po ang sinasabing magme-merge ngayon para kung makapagdesisyon ang Tito, Vic and Joey na lilipat sila ng channel, itong tatlong malalaking producers na ito ang magsasama-sama para itawid sa atin ang bagong ‘Eat Bulaga,’” ang pahayag pa ng award-winning veteran columnist.

Dagdag pa niya, “Nag-ano na pala, nag-headcount. Talaga raw tinanong na, ‘Sasama ba kayo?’ ‘Maiiwan kayo?’” At lahat daw ng tinanong na co-hosts ay sasama sa paglipat ng TVJ.

“Tinanong ko nga ‘yung source ko, ano talaga? ‘Lilipat, napakabilis ng sagot, lilipat,’” pahayag pa ni Nanay Cristy.

Hirit pa ng columnist-content creator, “May magbubulagaan at bubulagta.”

Samantala, sa gitna ng chikang ito, may lumabas namang balita na posible raw magbalik-GMA ang “Wowowin” ni Willie Revillame. Ito’y matapos nga ang pagpa-pull-out niya ng kontrata sa ALLTV.

Abangan na lang daw ang gagawing malaking announcement ni Willie sa June.

May nagkomento naman na kung sakaling sa TV5 na mapapanood ang “Eat Bulaga” posible kayang mag-back-to-back sila ng “It’s Showtime”? Pwede rin kayang umere ang “EB” sa Kapamilya Channel?

Habang sinusulat namin ang balitang ito, wala pang inilalabas na reaksyon sina Tito, Vic at Joey. Hindi pa rin nag-iisyu ng official statement ang TAPE at GMA hinggil sa isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Bossing Vic gustung-gusto nang magsalita tungkol sa mga isyu ng ‘Eat Bulaga’ pero may pumipigil daw, sino kaya?

Tito Sen ayaw magpa-interview kay Boy Abunda tungkol sa kontrobersyang bumabalot sa Eat Bulaga?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending