Bossing Vic gustung-gusto nang magsalita tungkol sa mga isyu ng 'Eat Bulaga' pero may pumipigil daw, sino kaya? | Bandera

Bossing Vic gustung-gusto nang magsalita tungkol sa mga isyu ng ‘Eat Bulaga’ pero may pumipigil daw, sino kaya?

Reggee Bonoan |April 30,2023
facebook
share this

Bossing Vic gustung-gusto nang magsalita tungkol sa mga isyu ng ‘Eat Bulaga’ pero may pumipigil daw, sino kaya?

Reggee Bonoan - April 30, 2023 - 05:25 PM

Bossing Vic gustung-gusto nang magsalita tungkol sa mga isyu ng 'Eat Bulaga' pero may pumipigil daw, sino kaya?

Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon

BAGO namin napanood ang “Showbiz Now Na” vlog nina Nanay Cristy Fermin, Wendell Chika at Romel Chika sa YouTube ay may nakausap kami na nagsabing gustung-gusto na ring magsalita nina Vic Sotto at Joey de Leon tungkol sa gusot ng “Eat Bulaga.”

Matatandaang isa-isang kinorek ni dating Senate President Tito Sotto sa one-on-one interview nila ni ‘Nay Cristy ang mga pahayag ng tumatayong Chief Finance Officer ng TAPE, Inc. na si Dapitan Mayor Bullet Jalosjos sa “Fast Talk With Boy Abunda” sa GMA 7.

Pagkatapos ni Tito Sen ay maraming nagtatanong kung kailan naman magsasalita sina Vic at Joey.

Ayon sa aming source, gusto na ring maglabas ng saloobin si Bossing Vic pero may pumipigil daw na sakto rin sa ibinalita nina ‘Nay Cristy sa “SNN.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sabi ng aming source, “Gustong patunayan ni Vic na lahat ng mga sinabi ni Tito Sen ay totoo at marami pa siyang gustong linawin, pero may pumigil.  Marami pa siyang idadagdag.” Hindi naman binanggit ng aming source kung sino ang pumigil.

Base naman sa kuwento ni ‘Nay Cristy, “Ang sabi ni Senator Tito Sotto hangga’t maaari ayaw nilang magsalita dahil marami silang masasabi. Kaya lamang po nagsalita si Mayor Bullet Jalosjos na para sa kanila ay kabaligtaran ang mga sinabi kaya kailangan nilang magpahayag.”

Baka Bet Mo: Banat ni Cristy Fermin kay Kuya Kim: Kapag hindi kayang panindigan, ‘wag magsalita

Susog naman ni Romel Chika, mabuti na lang daw at nagsalita si Tito Sen dahil maraming nalaman ang publiko at sabi naman ni Wendell na inakala ng lahat nang magsalita si mayor Bullet ay tapos na at iyon ang paniniwala ng lahat.

“Kahit naman tayo iyon ang paniniwala natin, eh (hindi aalis ang TVJ sa Eat Bulaga), yung sinabing mare-retain sila, e, puwedeng oo, puwedeng mawala sila anytime.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Alam n’yo ang unang plano pala ng Jalosjos group na ito ay three times a week lang ang Tito Vic and Joey at mabuti na lang sa general assembly ay naglabasan, cards on the table sila at nalaman ng Tito Vic and Joey ang kanilang mga plano,” sabi ng beteranang manunulat at online host.

Dagdag pa, “At dahil nagsalita na po si Senator Tito Sotto ay dalawang boses pa po ang hinihintay ng bayan.” Na ang tinutukoy nga ay sina Vic at Joey pero para kay Wendell, “Ako mas gusto kong magsalita si Joey de Leon kasi magaling siyang mag-ano, eh.”

Salo ni ‘Nay Cristy, “Kapag si Joey de Leon po ang nagsalita, ano nga sabi ng marami, kailangan bumalik sa kanilang mga pinanggalingan ang tumitira sa kanila.

“Si Vic Sotto naman na banayad magsalita at paminsan-minsan lamang na alam naman natin kung gaano katindi kapag ang (taong) hindi masalita ay biglang tumuga, di ba?

“Gustung-gusto na po ni Bossing Vic magsalita at tapatan ng katwiran at kontrahin ‘yung mga unang pinalutang nitong si mayor Bullet pero maraming pumipigil.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi ka sumuweldo tapos naipon ‘yung suweldo mo ng P30.5 million nagtatrabaho ka pa rin?” sabi pa ni Nay Cristy.

At dahil sa pagmamahal sa programa kaya nagawa nina Vic at Joey na pumasok kahit hindi sila pinasusuweldo.  Pero ang malaking katanungan daw ng una ay bakit binabawasan siya ng VAT o value added tax gayung wala naman siyang nahahawakang suweldo?

Nabanggit na rin ni ‘Nay Cristy na may dalawang network ang magsasanib-puwersa na kunin ang “Eat Bulaga” ng TVJ — ang ABS-CBN at TV5 o ABS-CBN at NET 25.

May nakausap naman kami na mas posible raw na sa TV5 papasok ang “Eat Bulaga” dahil ito ay VHF or very high frequency kumpara sa NET25 na UHF or ulta high frequency na ibig sabihin ay masyadong mataas ito at mahirap hanapin.

Kris bagsak ang katawan, atras muna sa pasabog: Inakalang handa na akong magsalita, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza pumalag kay Barbie: Bakit hindi si Diego ang magsalita sa publiko?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending