Banat ni Cristy Fermin kay Kuya Kim: Kapag hindi kayang panindigan, ‘wag magsalita
MAINGAY ang pangalan ngayon ni Kim Atienza matapos mapabalita ang kaniyang pag-ober da bakod sa Kapuso network.
Isa si Kuya Kim sa mga celebrities na matindi ang paninindigan noon na mananatiling loyal Kapamilya sa kabila ng hinaharap na dagok ng ABS-CBN.
Kaya marami nga ang nagulat nang bigla na lamang kumalat ang mga balita na magiging Kapuso na ang weather anchor.
Isa na nga rito ang kolumnistang si Cristy Fermin.
“Kung lilipat na siya sa GMA, paano na ‘yung binitiwan niya noon na hanggang sa huli n’yang hininga mananatili siya sa ABS-CBN?” tanong ni Fermin.
“‘Yang mga pagsasalita ng mga pangako na malalalim na mga ganyan, ‘yung sinasabi ni Kuya Kim noon up to his last breath, na hindi siya aalis sa ABS-CBN.
“Paano mo haharangin, paano mo ipapliwanag ang punto mo ngayong papalipat ka na pala samantalgang nangako ka noon noong kasagsagan ng inyong ideolohiya tungkol sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN ba hindi ka aalos, hindi ka lilipat hanggang sa huling hininga mo. Kaya kapag hindi kayang panindigan, ‘wag magsalita,” dagdag pa nito.
Tanggap naman na raw ni Kuya Kim na bubuhos ng batikos sa kaniyang naging desisyon.
Nagpaabot naman ng mensahe sa kaniyang paglipat ang isa sa mga co-hosts niya sa “It’s Showtime” na si Jugs Jugueta.
“You’re now Kapuso, but you will always be my Kapamilya, my Ninong @kuyakim_atienza! Thanl you so much for teaching us a LOT during those six years if @itsshowtimena,” saad nito.
At tulad nga ng sikat na sikat na linya ng mga former employees ng ABS-CBN, “Once a Kapamilya, always a Kapamilya”. Siguro ay kinakailangan lang talaga ni Kuya Kim ang lumipat at wala namang kaso ito kung naging maayos naman ang kaniyang pamamaalam sa mga big bosses ng ABS-CBN.
Good luck on your new journey, Kuya Kim!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.